Questions


October 2022 1 2 Report
Panuto: Basahin ang talata at pagkatapos isulat sa isang pangungusap ang buod ng
teksto. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. May kaniya-kaniyang paraan ang mga magulang sa paghubog at pagpapalaki
ng kanilang mga anak. May mga magulang na pilit inuunawa ang mga
pinagdaraanang problema ng mga anak. Mayroon namang ubod ng higpit
dumisiplina sa mga anak.
2. Tandang-tanda ko pa ang bakuran nina Lolo at Lola sa nayon. Maraming
punongkahoy at iba't ibang pananim doon. Sagana sa prutas at gulay ang
buong bakuran. Malilim at malamig ang paligid. Kaya't kaming mga apo nila
ay madalas magbakasyon doon.
3. Isa pang kahanga-hangang tanawin bukod sa Bulkang Mayon ay ang Bukal ng
Tiwi. Ang bukal na ito ay isa sa mga napagkukunan ng lakas-geothermal sa
bansa. Ito ay nasa lalawigan ng Albay.
4. Ang bayan ng San Marcelino ay kilala sa ipinagmamalaking mapuputi at-
matatamis na singkamas. Ito ay isa sa mga pangunahing kabuhayan ng tao
rito na sinasabing ang katangian nito ay makikita rin sa kanila. Matamis na
ngiti ang makikita sa mukha at ang mabuting kalooban ng kanilang puso. Sa
kalsada maririnig mo ang "kamas-kamas" na alok ng mga taong nagtitinda nito.
5. Maraming pagsubok ang nangyari sa taong 2020 ngunit sa kabila nito naging
matatag ang mga Pilipino. Hinarap ang lahat ng hamon sa buhay at mga
trahedyang hindi inaasahang
dumating. Lumaban bumangon at hindi
nagpatalo. Nananatiling matatag na kumapit sa pananampalataya sa
Panginoon at nagtiwala sa kanyang sinabi na "Hindi ko kayo iiwan maniwala,
magtiwala at manalig kayo sa Akin."​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.