Panuto: Basahin ang talata at isulat sa patlang ang paksa ng mga sumusunod na talata
1. Ang pagiging malinis sa katawan sa lahat ng oras ay isang mabuting gawi. Ang
batang malinis ay magandang tingnan. Ang araw-araw na paliligo at pagpapalit ng
malinis na damit ay nakatutulong ng malaki. Wala ng gaganda pa sa
ng mapuputing ngiping dulot ng pagsisipilyo nang tatlong beses sa isang araw.
Paksa:____________
2. Mahalin at alagaan ang kalikasan. Ang yaman nito, kung lubusang mapag-ukulan ng
pansin at magagamit nang wasto, ay napakalaking salik sa kaunlaran ng tao.
Pinatutunayan ng kagawaran ng kalusugan dito sa Pilipinas, na ang bansa ay
napakaraming halamang-gamot sa ating napakalawak na kabukiran at kagubatan
Paksa:___________
3. Ang hidden hunger ay kakulangan sa tatlong importanteng sustansyang kailangan ng
katawan ng tao. Ang mga ito ay iron, vitamin A at iodine. Kung ang katawan ng tao ay
kulang sa iron, posibleng magkaroon ang sakit na anemia. Kung ang katawan naman ay
kapos sa Vitamin A manganganib naman ang mata sa pagkabulag. Ang batang kulang sa
iodine ay maaari namang maging kulang ang pag-iisip.
Paksa:___________​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.