Panuto: Basahin ang sumusunod na patalastas. Piliin ang wastong bahagi ng pananalita na dapat ipuno sa patlang. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ang Mobile Phone ay napakahalagang bagay sa panahon ngayon. Kaya, huwag nang magpahuli pa, mag- Star Mobile Phone na! Get one now at maging mayaman sa ____ dahil nilagyan ito ng mga Learning Sites na magagamit mo kahit walang internet.
A. alam
B. kaalaman
C. nalalaman
D. napag-alaman

2. Protect your eyes. __________ ng Protex Drops. Ito ay may pambihirang kakayahan sa pangangalaga ng mga mata. Mahalin natin ang ating mga mata. Mag-Protex Drops na!
A. Gamit
B. Gumamit
C. Ginagamit
D. Gumagamit

3. Anak, baunin mo ang Heart Alcologne para lagi kang protektado saan ka man magtungo. Hindi lang _________ ang protektado, kundi pati ang kapuwa mo. Ito ang Heart Alcologne, ang alcohol na may puso.
A. Ka
B. ko
C. akin
D. ikaw

4. Ang Malunggay Coffee ay nagtataglay ng amino acids, vitamins, at minerals na wala ang iba. Hindi ka lang nagkakape, kumakain ka pa ng gulay. Tamang-tama ito ________ mga may insomnia. Try it now!
A. para sa
B. para kay
C. tungkol sa
D. tungkol kay

5. Mga kumare, mabagal ba ang internet ninyo _________ hindi makasabay sa online classes ang mga anak ninyo? Good news, dahil narito na ang Speednet. Napakabilis! Kaya, no hassle na ang online learning ng mga bagets!
A. at
B. sana
C. kaya
D. dahil​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.