Panuto: Basahin ang sumusunod na mga sitwasyon na may kinalaman sa isyu ng
sekswalidad. Suriin ang bawat isa at isulat sa sagutang papel ang iyong
paninindigan sa mga isyung ito.
Mula sa iyong pagsusuri sa tatlong kaso sa itaas, punan ng sagot ang tsart. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.
Sitwasyon Isyu tungkol sa
sekswalidad
Ang Aking
Paninindigan
Naging basehan sa
Paninindigan
1.
2.
3.
1. Sina Leona at Chris ay magkasintahan. Isang araw,
sinabi ni Chris kay Leona, “Mapatutunayan mong tunay mo
akong mahal kung ibibigay mo nang buong-buo ang iyong
sarili kahit hindi pa tayo kasal.” Ano ang paninindigan mo sa
isyung ito?
2. Ang tatlo mong matalik na kaibigan ay may mga boyfriend
na madalas nilang ikuwento sa iyo. Tanging ikaw na lamang
ang walang karelasyon sa barkada. Sinabi nila sa iyo,”bakit
hindi mo subukan para maranasan mo naman”. Ano ang
iyong paninindigan dito?
3. Niyayaya ka ng iyong mga kaibigan na bumili at magbasa
ng mga malalaswang magazine. Halos lahat ng iyong mga
kaibigan ay nakabili na nito. Paano mo paninindigan ito?
Answers & Comments
Answer:
1.hindi ako papayag pagkat hindi nababase ang
pag mamahal nang isang tao sa pagbibigay nang sarili kahit hindi pa kayo kasal
2.Hindi ko ito pakikingan pagkat naniniwala ako na Nag laan nang isang Tao ang diyos para saakin at hindi ko ito nararapat na madaliin
3.hindi ako bibili dahil hindi ito tama para sa edad ko