Questions


September 2022 1 1 Report
Panuto: Basahin ang sumusunod na editoryal tungkol sa isang pagdiriwang sa Iloilo bilang isang
lalawigan sa Visayas. Pagkatapos, sumulat ng isang talata na naghihikayat na tangkilikin ang
pagdiriwang ng Timu-om. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
PAGDIRIWANG TIMU-OM
Isang pagdiriwang ang Timu-om sa Cabatuan, Iloilo tuwing Setyembre 1-5 taon-taon.
Kahanga-hanga ang nasabing pagdiriwang sapagkat kakikitaan ito ng kultura ng mamamayan sa
nasabing lugar.
Ano ba ang Pagdiriwang Timu-om? Marami ang nagsabi na talagang kakaiba ang nasabing
pagdiriwang. Ang nasabing pagdiriwang ay tungkol sa kasaysayan ng Cabatuan, Iloilo at sa kilalang
pagkain na sabaw na tunay na nakahihikayat alamin.
Ang mga sahog ng kakaibang sabaw ay manok, kamatis, bawang, sibuyas, luya at tanglad na
lahat ay ibinabalot sa dahon ng saging. Ito ang ilalagay sa sabaw upang maging malinamnam.
Pinararangalan ng pagdiriwang ang nasabing pagkain sa pamamagitan ng natatanging mga
gawain kaya nagiging makulay ito. Nakakabilib talaga ito! Ilan sa makahulugang mga gawain ay
ang patimpalak sa pagluluto at pagsasayaw sa mga kalye ng nasabing lugar.
Napakasarap maranasan ang nasabing pagdiriwang sapagkat buhay na buhay ang kultura ng
mamamayan ng nasabing lugar.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.