Questions


November 2022 1 2 Report
Panuto: Basahin ang sanaysay at sagutin ang mga katanungan.

COVID-19 bayanihan: Pang-beach sana ng pamilya pinambili ng relief packs para sa mga kapitbahay

Sa Brgy. Guyong, Sta. Maria, Bulacan, isang pamilya ang namahagi ng pagkain sa mga kapitbahay gamit ang perang naipon para sana sa swimming. Isinuot na rin nila ang mga pang-beach na damit dahil kanselado na ang kanilang outing. Ipinambili ng bigas, delata, gulay, at iba pang pagkain ang perang naipon para sa pagbabakasyon ng pamilya nina Grace at Christopher Chan. Ayon sa kanila, paminsan-minsan silang lumalabas para mamahagi ng relief goods. Isang linggo na rin daw nila ipinangluluto ang kanilang mga kapitbahay ngayong may enhanced community quarantine sa Luzon. "Siyempre, nakikita mo ang kapuwa mo nagugutom, tutulungan mo. Tutulong kami hanggang kaya namin," ayon kay Grace. Ayon kay Christopher, isinusuot nila ang kanilang pang-summer na damit habang namimigay ng relief goods ngayong hindi na sila makakapag-swimming. Inanyayahan din ni Christopher ang kapuwa na tumulong, lalo na kung may kaya naman na mamahagi ng tulong para sa mga ito. "We encourage everyone lalo na 'yung may kakayanan na tumulong, tumulong sa kapuwa-Pilipino," aniya. Sa ilalim ng enhanced community quarantine na ipinatupad sa Luzon, ipinagbabawal ang mass gatherings gaya ng pagbabakasyon. Mula sa ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.