Questions


August 2022 1 0 Report
Panuto: Basahin ang pabula at isaayos ang mga pangungusap ayon sa pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa akda. Isulat ang titik sa patlang.

Ang Asong Magnanakaw May isang asong nagnakaw ng piniritong manok. Habang pinagpapasasaan niya ang buong manok, may munting butong bumara sa kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung paano iyon aalisin. Sa tindi ng paghihirap ay napatahol siya nang sobrang lakas Tumakbo siya kung saan-saan upang makahanap ng makakapag-alis ng bikig. Nagmamakaawa siya sa paghingi ng tulong dahil hirap na hirap siya. Tumihaya na ang aso at ibinuka ang kanyang bibig. Isang pusa ang pinakiusapan niyang tanggalin ang bikig sa lalamunan. "Kapag naalis mo ang bikig ko ay mayroon kang gantimpala," sabi ng aso sa pusa. Agad ipinasok ng tiwalang pusa ang ulo hanggang leeg sa bibig ng aso upang alisin ang nakabarang bikig. Pagkabunot ng bikig ay agad nagtanong ang pusa. "Nasaan ang aking gantimpala?" Malakas na umungol ang aso saka inilabas ang matatalim na pangil. "Pasalamat ka at naipasok mo at nailabas ang iyong ulo sa aking bunganga nang hindi kita sinakmal," wika ng asong magnanakaw. A. Naalis ng pusa ang bikig sa lalamunan ng aso. B. Nagmakaawa ang aso sa pusa na alisin ang bikig sa kanyang lalamunan. C. Hindi tinupad ni aso ang kanyang ipinangako kay pusa. D. Nangako ang aso na magbigay ng gantimpala kay pusa kapag nakuha ang bikig sa kanyang lalamunan. E. Nabikig ang aso ng buto ng piniritong manok na kanyang ninakaw at kinain.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.