Questions


October 2022 2 2 Report
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa bawat sitwasyon

1. ​Naglalaro ka nang biglang sabay kang tinawag ng ate at kuya mo upang utusan.
A. Susundin ko ang inuutos nila pero kakausapin ko sila nang maayos kung sino ang uunahin ko sa kanila.
B. ​Lalapit ako sa kanila at susundin ko ang utos muna ng aking ate.
C. ​Hahayaan ko silang tumawag nang tumawag.
D. ​Lalapit ako sa nanay at magsusumbong

2. ​Galing kayo ng nanay sa isang mall. May batang ang umakyat sa sinasakyan ninyong dyip. Pinunasan niya ang iyong sapatos at nanghingi ng barya. *
A. ​Sasabihin ko sa nanay na bumaba na kami.
B. ​Bibigyan ko na lamang siya ng pagkain.
C. ​Kakausapin ko ang aking nanay.
D. ​Kakausapin ko ang aking nanay.

3. ​Maggagabi na. Inabutan ka ng malakas na ulan. Wala kang dalang payong. Nakita mo ang iyong kapitbahay na may dalang payong.
A. ​Magsasabi kung puwede makisabay dahil wala kang dalang payong.
B. ​Ako ay iiyak nang malakas.
C. ​Hihintayin kong tumigil ang ulan.
D.​Ipatatawag ko na lamang ang aking tatay o nanay para ako ay sunduin.

4. ​Umalis ang iyong nanay. Pinagbilin sayo na painumin mo ng gamot ang iyong kapatid na may sakit. Nakalimutan mo itong painumin sa takdang oras. Tinanong ka ng nanay kung nagawa muna ang kanyang ipinagbilin.
A. ​Hihingi ng paumanhin at sasabihin ang totoo.
​B. Hindi ko papansinin ang aking nanay.
C. ​Uunahan ko ng pag-iyak para hindi mapagalitan.
​D. Sasabihin ko na pinainom ko ng gamot ang aking kapatid para hindi ako mapagalitan.

5. ​Nakasakay ka na sa serbis mong traysikel. Nang magbabayad ka na, wala ang iyong pera.
A. ​Sasabihin sa drayber na kung maaari ay pag-uwi mo ng bahay ibibigay ang bayad.
B. ​Iiyak na lamang bigla.
​C. Sasabihin sa drayber nang pagalit na wala kang pera
​D. Bababa agad at tatakbo nang mabilis.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.