Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga talata. Habang binabasa mo ang mga ito ay umisip ka nang matalinong paghihinuha sa maaaring mangyari. Bigyang pansin at unawain mo rin ang mga salita o pariralang nakasulat nang pahilig.

Unang Talata Katatanggap lang ng sahod ni Carlo kaya masaya siyang umuwi nang gabing iyon. Dumaan muna siya sa mga kaibigan bago umuwi at nagkaroon ng kasiyahan. Nang napansin niya na amoy ubas na siya ay nagpasyang magpaalam. Habang naglalakad siya patungo sa himpilan ng mga sasakyan ay may lalaking bumangga sa kanya.


Ikalawang Talata

Kaarawan ni Lola Maria. Alog na ang baba ngunit masayang nagsimba siya nang maaga at naghanda ng kaunti. Ngunit tanghali na wala pa ring nagsisidating sa kanyang mga apo. Nagpasya na lamang siyang magpahinga. Tulog na siya nang dumating ang mga apo.


Ikatlong Talata

Usad pagong ang ekonomiya ng Pilipinas ngayon dulot ng pandemya. Maraming mga pamilyang Pilipino ang walang trabaho. Isa na rito ang pamilya ni Mang Berting na isang jeepney driver. Siya ay may anim na anak at ang kanyang asawa ay walang trabaho.

Tandaan:

Hindi lang isa o dalawa ang maaari mong maibigay na hinuha, hanggang may naiisip kang pwedeng kahinatnan ng mga pangyayari ay maaari kang maghinuha.


Hinuha para sa Talata 1.


Kahulugan ng nakahilig na parirala:


Hinuha para sa Talata 2.


Kahulugan ng nakahilig na parirala:


hinuha para sa Talata 3.


Kahulugan ng nakahilig na parirala:​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.