Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin ang mga salitang binibigyang kahulugan sa bawat bilang. Pilin ang sagot sa kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang. 1. Isang paraan upang maka enganyo, hikayat, at pag-anunsyo tungkol sa isang produkto. pangyayari, tao, at iba pa sa pamamagitan ng iba't-ibang plataporma. 2. Mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. 3. Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. 4. Salitang tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay, pook, hayop o pangyayari 5. Mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap 6. Bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan 7. Nagbibigay ng turing o naglalarawan sa pangngalan o panghalip 8. Bahagi ng pananalitang nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. 9. Katagang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan o pangyayari. 10.Bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon. A. Pandiwa B. Pangatnig C. Pang-abay D. Patalastas E. Pang-ukol F. Pang-uri G. Pangngalan H. Pang-angkop 1. Panghalip J. Pantukoy
Answers & Comments
Answer:
1.d
2.h
3.a
4.g
5.b
6.i
7.f
8.c
9.j
10.e
Explanation:
yan po ang tamang sagot dnt wrry di po yan mali napag aralan na namin yan.