Questions


October 2022 1 2 Report
Panuto: Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Pagkatapos.isulat ang titik ng tamang sagot bago ang
bilang.
Ang Mahusay na Pamumuno ni Thea
ni: Cristy N. Mendoza
Kilalang mag-aaral si Thea sa kanilang paaralan dahil sa kanyang kahusayan sa akademiko at pamumuno sa mga
kapwa mag-aaral. Katunayan nga'y maraming beses na siyang nagwagi bilang pinakamahusay na pangulo ng
organisasyong pinamumunuan. Habang sila ay nasa quadrangle ng paaralan at nanonood ng palatuntunan, napansin
niyang mayroong batang babae sa kabilang pangkat ang pinagkakaisahan ng kanyang mga kamag-aral. Inaasar,
sinasaktan at pilit na kinukuha ang baon niya. Naalala niyang minsan pa nga'y nakita na rin niya ang batang iyon na dala-
dala ang gamit ng kanyang mga kaklase. Napaisip si Thea dahil ang pang-aabuso na iyon ay madalas mangyari kaya't iyon
ay maituturing na bullying at nababatid niyang mahigpit na ipinagbabawal iyon.
Maraming beses niyang nasaksihan iyon at lubhang nabahala siya sa maaring maging epekto ng pang-aabusong
iyon sa mga mag-aaral. Maya-maya pa'y natapos na ang palatuntunan at muling bumalik sa klase ang mga magaaral.
Paakyat na si Thea nang mapansin naman niya ang nagkalat na putting papel na ginamit na upuan sa quadrangle.
Napailing na lamang siya at wari'y nalulungkot sa asal ng kanyang kapwa mag-aaral. Bago siya tuluyang bumalik sa klase
ay dumaan muna siya sa palikuran. Naabutan niya ang mga kababaihan ay nagsusulat sa pader ng palikuran. Agad niyang
pinayuhan ang mga ito na pananagutan ng bawat isa na ingatan ang mga kagamitan ng paaralan. Tahimik siyang bumalik
sa klase at pinag-iisipan nang malalim ang mga nasaksihan. Bago pa man sila mag-uwian ay bumuhos ang malakas na
ulan. Hindi rin siya makauwi agad dahil ang pangkat nila ang nakatakdang maglinis. Habang itinatapon niya ang mga
basura ay napansin niyang halo-halo ang mga basura. Batid niyang mali ang paraan ng pagtatapon ng basura. Matapos
ang paglilinis ay nakahanda na silang lumabas ng paaralan ngunit baha na sa paligid. Nakita niya na ang mga basura ay
nakatambak lamang sa mga kanal kung kaya't hindi umaagos ang tubig ulan. Alam niyang ang duming nagbubuhat sa
baha ay
maaring pagmulan ng sakit.
Maraming suliranin sa paaralan at bilang lider alam niyang may tungkulin siyang dapat gawin. Nagtungo siya sa
kanyang gurong tagapayo upang ilahad ang kanyang mga nasaksihan. May mga plano siyang balak gawin na ikinatuwa
ng guro. Nakipag-ugnayan din siya sa kanilang guidance counselor hinggil sa pagpupulong at mga programang maaarin
maging solusyon sa mga suliraning naobserbahan. Kinausap din niya ang mga kapwa mag-aaral na opisyal ng
organisasyon upang ilahad ang kanyang plano. Nagkaisa na ang bawat isa ay makikipagtulungan. Itinakda ang araw ng
pagpupulong sa mga mag-aaral sa susunod na linggo upang lubusang mapaghandaan ang mga programa.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.