Questions


September 2022 1 2 Report
Panuto: Basahin ang akda at sagutin ang mga katanungan.


Impormatibong Sanaysay ni G.C. Alburo

Sa madalas na pagkakataon, ang sanaysay ay ginagamit sa mga paaralan. May iba’t ibang uri ng sanaysay na ginagamit at isa na rito ang Impormatibong Sanaysay. Ito ay uri ng sanaysay na ang pangunahing layunin ay magturo. Kadalasan ito ay sumasagot sa mga tanong na ano, sino, saan, kailan, bakit at paano. Tandaan, ang impormatibong sanaysay ay hindi nagbibigay ng pansariling opinyon para manghikayat ng iba na maniwala kaugnay sa isang paksa o isyu. Bagaman, kapag nakuha mo ang interes ng mga mambabasa sa pamamagitan ng iyong impormatibong sanaysay ay mapapaniwala mo sila magkakaroon ng sariling pagpapasya. Ano ang estruktura ng impormatibong sanaysay? May tatlong bahagi ang estruktura ng impormatibong sanaysay, ito ay may panimula, gitna at wakas. Sa panimula inilalahad ang pangunahing paksa at kaisipan sa kawili-wiling paraan para makuha ang atensyon ng mga mambabasa. Sa gitna o katawan ay makikita ang pagpapaliwanag tungkol sa paksa at mga ideya na binanggit sa panimula. Ipinakikita ito sa pamamagitan ng pagpapakahulugan, mga impormasyon, estadistika, ebibensya at iba pang detalye na susuporta sa paksa. Ang katawan ay maaaring buoin ng ilang mga talata. Sa wakas makikita ang pinaka buod at konklusyon ng sumulat tungkol sa paksa. Balikan ang paksa sa panimula at banggitin ang pinakamahalagang impormasyon. Mag-iwan din ng palaisipan sa mga mambabasa upang mahikayat sila na lalo pang matutuo ng maraming kaalaman.


Mga tanong:

1. Ano ang paksa sa binasa?
2. Kailan at saan ginagamit ang impormatibong sanaysay?
3. Ano-ano ang mga bahagi ng impormatibong sanaysay?
4. Paano naiiba ang impormatibong sanaysay sa ibang uri ng sanaysay na iyong binasa?
5. Bakit mahalaga ang isang impormatibong sanaysay? ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.