Panuto: B. Sumulat ng may damdaming sariling kwento. Ang kwento na isusulat ay batay sa saril;ing karanasan o nangyayari sa panahon ng pandemya o Covid 19. Narito sa ibaba ang mga pamantayan sa pagsulat ng kwento.
pa help po. Pls don't waste my points. Nonsense= reported. Copy-paste = reported
Answers & Comments
Answer
Ang ipinaranas ni Covid 19
Normal lang na magkaroon tayo ng pagsubok minsan grabe minsan hindi pero ngayon ay may pagsubok na kailangan nating lutasin. Akala ko dati ay itong pagsubok na ito ay kayang-kaya naming/nating lutasin ngunit ako ay nagkakamali, dahil itong pagsubok na ito ay walang katapusan, mahirap humanap ng solusyon, ito ay di pangkaraniwang problema, hindi siya nakikita, walang pinipiling tao mapamayaman man o mahirap tinatapos niya ang buhay ngunit may mga taong swerte na nakakaligtas sa kanyang mga kamay.
Ang mabuting idinulot nito ay ang pagpaparamdam niya na tayo ay pantay pantay sa lahat ng araw, oras o magpakailan man walang mataas o mababa para sakaniya. Ngunit may masama siyang idinulot ipinagkait niya saatin ang madaming bagay, pinahirapan niya tayo. May mga taong nawalan ng hanapbuhay, nagkaroon ng malubhang sakit, nawalan ng kumpyansa sa sarili, ang iba walang makain, maraming nagkakaroon ng anxiety o depresiyon, ngunit hanggang ngayon ay nakatayo parin tayo na nabubuhayan dahil nandyan ang diyos na gumagabay saatin laging ipinaparamdam na kaya natin, kaya ko, kaya niya, kaya namin, walang susuko dahil pagsubok ito. May mga bakunang nagawa, naimbento at ngayon ay ibinabahagi na ng libre at walang bayad kaya ang kaso ng sakit na ito ay bumababa, nagkaroon na ng unti-unting pagbangon at pagkakaroon ng kumpyansa sa sarili. Siya ay si Covid 19.
Explanation:
ito lang po ang aking sagot pwede niyo pong putulin kung gusto niyo po salamat. sariling gawa kopo ito.