Questions


December 2022 1 0 Report
Panuto: Ayusin ang pagkasunodsunod ng mga panyayari ayun sa binasang Florante at Laura. Lagyan ng bilang 1-15.
1.Hindi natiis nl Aladin ang matinding awa sa narinig kaya't hinanap niya ang pinagmumulan ng panaghoy.
2. Ikinagulat niyang siya'y nasa kandungan ng isang Morong itinuturing na kaaway ng kanyang lahi.
3. Isinalaysay niya ang niya ang mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay at kung paano siya hinubog ng kanyang magulang sa pawang mga paghahanda sa buhay na susuongin niya.
4. Bukambibig si Adolfo sa Atenas, ang katalinuan niya ay bantog sa kapwa niya mag- aaral. Ngunit hindi naglaon ay naugusan siya ni Florante bagama't ang huli ay nakababata ng dalawang taon.
5. Sa kanya ipagkakatiwala ang malaking responsibilidad na isalba ang Krotona sa mga Morong sumakop dito.
6. Masasaksisihan mo ang unang pagtatagpo nina Florante at Laura at mararamdaman mo ang tindi ng pag-ibig ng binata sa dalaga sapul nang masilayan niya ito.
7. Kinailangan niyang lisanin si Laura kahit ito'y mabigat sa kanyang loob upang tupdin ang kanyang tungkulin bilang heneral ng kanilang hukbo.
8. Labis na ang kanyang pananabik kay Laura kaya't halos liparin nila ang daan pabalik. Subalit, malayo pa'y natanaw na nila ang bandilang Media- luna.
9. Inilahad ni Aladin ang kuwento ng kanyang buhay subalit naputol ang pagsasalaysay niya dahil sa lungkot na nadama nang maalala na naman ang kasintahang si Flerida na inagaw ang ama.
10. Masayang ipinagbunyi ng Albanya ang pagbabalik nina Florante at Flerida kung saan sila bininyagan at naging Kristiyano.
11. Si Florante ay matikas, magiting, at matapanv na heneral ng Albanya subalit sa mababasa mong mga saknong ay ipakikita siya sa isang kalunos-lunos na kalagayan.
12. Subalit sa muling pagliliwanag ng isipan ay nabatid niyang dakila ang pag-ibig ni Laura para sa kanya't hinihingi niya ang pagdamay ng dalaga sa kanyang kalagayan.
13.Kahit masakit ay namayani parin kay Aladin ang paggalang sa ama kaya't sa halip na gantihan ang amang nang-agaw sa kanyang kasintahan ay minabuti niyang magparaya at maglagalag na lang sa kagubatan kung saan nakagapos si Florante.
14. Inaasahan ni Aladin na nag-iisa siya sa madilim at madawag na kagubatan subalit di nagtagal ay narining niya ang mga panaghoy ni Florante.
15.Nagsasabi siya ng pamamaalam kay Laura nang bigalang dumating ang dalawang leong akmang sisila sa kanya.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.