Panuto: A. Sagutin ang mga tanong : mula sa binasang editoryal (Edukasyon Para sa mga Katutubo)
1. Ano ang editoryal o pangunahing tudling?
2. Ano-ano ang bahagi ng editoryal?
3. Ano-ano ang uri ng editoryal ? Ano ang editoryal na nanghihikayat ?
4. Bakit sinasabing ito ang tinig ng pahayagan ? Ano ba ang sinasalamin ng
isang editoryal o pangulong tudling?
5. Ano-anong bagay ang dapat tandaan o isaalang-alang kapag sumusulat
ng editoryal o pangulong tudling?
Answers & Comments
Answer:
Ang editoryal o pangulong tudling ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa. Ang editoryal ay dapat may kakayahang manghikayat, kawili-wili at maliwanag ang paglalahad. Isang paksa laman ang tinatalakay sa isang editoryal at hindi ito masalita.
Mayroon itong mga uri:
1 Pangulong Tudling na Nagpapabatid (Editorial of Information)
2 Pangulong Tudling na Nagpapakahulugan (Editorial of Interpretation)
3 Pangulong Tudling na Nakikipagtalo (Editorial of Argumentation)
4 Pangulong Tudling na Namumuna (Editorial of Criticism)
5 Pangulong Tudling na Nanghihikayat (Editorial of Persuasion)
6 Pangulong Tudling na Nagpaparangal o Nagbibigay-puri (Editorial of Appreciation, Commendation, or Tribute)
7 Pangulong Tudling na Nagpapahayag ng Natatanging Araw (Editorial of Special Occasion)
8 Pangulong Tudling na Panlibang (Editorial of Entertainment)
9 Pangulong Tudling na Nagsasaad ng Panagano (Mood Editorial)
10 Pangulong Tudling na Bakasan (Pooled Editorial)
11 Pangulong Tudling na Batay sa Tahasang Sabi (Editorial Liner)
Explanation: