Para mapangalagaan ang kalusugan ng iyong pag-iisip sa panahong ito, narito ang ilang mga bagay na maaari mong gawin.Panatilihin ang mabubuting gawi, pati na ang malusog na pagkain, ehersisyo at pagtulog.Panatilihin ang koneksyon sa iyong mga mahal sa buhay. Kausapin sila tungkol sa iyong mga alalahanin at pag-aalala sa telepono o sa pamamagitan ng online na teknolohiya.Maging handa sa pamamagitan ng pagtiyak na mayroon kang sapat na pagkain, mga suplay at mga gamot. Humingi ng tulong sa pagkuha ng mga bagay na ito kung posible.Iwasan o bawasan ang pag-inom mo ng alak at paghithit ng sigarilyo.Kung sa tingin mo ay nababagabag ka sa mga pinakahuling balita, limitahan ang iyong panonood at pakikinig sa isang beses o dalawang beses lang sa isang araw. Gamitin ang mapagkakatiwalaan at kapani-paniwalang mga pagkukunan ng impormasyon, sa halip na sa social media. Kung hindi mo ma-access ang internet, pakiusapan ang isang kaibigan o kapamilya na basahin sa iyo o ipakita sa iyo ang napapanahon at mapagkakatiwalaang impormasyon.Para sa mga taong may inaalagaang kalusugang pang-kaisipan, patuloy na inumin ang anumang iniresetang gamot at ipagpatuloy ang plano sa iyong paggamot. Humingi ng propesyonal na suporta hangga’t maaga kung ikaw ay nahihirapan.
Answers & Comments
Answer: