Panuto: Magbigay ng reaksiyon ukol sa mga kaisipan/paniniwala na ipinakita sa pabulang “Ang Nawawalang Kuwintas”. Gumamit ng mga pahayag sa panghihikayat sa bawat pangungusap. Gawing gabay ang uri ng pahayag sa panghihikayat na nasa loob ng panaklong.
1. Isauli ang anumang bagay na iyong hiniram. (pagsang-ayon)
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
2. Pananamantala sa kahinaan ng iba. (pagtutol)
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
3. Tanging malalakas lamang ang nagwawagi. (pagbibigay-diin sa
pinaninindigang isyu)
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
Answers & Comments
Verified answer
Sagot at Paliwanag:
1. Sumasang-ayon ako na dapat isauli ng sinuman ang bagay na hiniram. Mahalaga kasi ang pagtupad sa mga pangako at ang tiwalang maaring masira sa hindi pagtupad niti ay hindi basta-basta mapagbabayaran. Kaya naman, ang lahat ay dapat matutong maging responsable sa lahat ng pagkakataon gaya ng panghihiram ng anumang uri ng bagay. Hindi bagay ang pinahahalagahan kundi ang relasyon sa isa't isa ng taong nanghiram at taong hiniraman.
2. Mali na manamantala sa kahinaan ng iba. Hindi ito makatarungang asal dahil ginagamit nito ang kapangyarihan para mangmaliit at pahirapan ang isang tao o nilalang na walang pribilehiyo na magkaroon ng sapat na kapangyarihan para tapatan ito. Kailangang iwasan ito ng lahat dahil lahat ng tao ay pantay-pantay lamang.
3. Hindi ako naniniwalang ang mga malalakas lamang ang nagwawagi. Nagwawagi rin ang mga mapagkumbaba at mabubuti. Ugnay nito, may kasabihan tayong "Daig ng masikap at masipag." Ibig sabihin iba-iba man tayo ng paraan ng pakikipaglaban at pakikipagpalaran sa buhay, ang lahat ay may kakayahan pa ring magtagumpay.
#BRAINLYFAST