Panuto: Basahin ang mga sumusunod na isyu o paniniwala. Alin sa mga ito ang pinaniniwalaan mo. Ibigay ang dating kaalaman/ paniniwala at ang nabagong kaalaman batay sa natuklasan sa teksto. Panimulang Pagsubok: 1. Tuwing araw ng Martes at Biyernes ay hindi naliligo si Francine dahil ayon sa kanyang ina bawal maligo sa mga araw na ito. 2. Kahit marumi ang sahig hindi magawang magwalis ni Jewel baka makalabas daw ang swerte sabi ng kanyang lola. 3. Ginawang unan ni Jashel ang kanyang aklat para masaulo niya ang leksyon. 4. Init na init na ang pakiramdam ni Mona sapagkat hindi siya naligo dahil sa kanyang buwanang dalaw. 5. Unang araw ng pasukan pinakain si Botsoy ng kanyang nanay ng sinunog na maliliit na papel na may nakasulat na alpabeto para daw mabilis itong matutong bumasa.