Panindigan
A: Ano ang gagawin mo sa sumusunod na mga sitwasyon? Gumuhit nang
masayang mukha sa linya ng tamang sagot.
1. Natanggap mo ang liham ng iyong guro para sa iyong mga
magulang. Ipinaaalam niya ang tungkol sa mga mababang marka
mo sa paaralan.
_____ a. Itatago ko ang liham sa aking mga magulang.
_____ b. Ipakikita ko ang sulat sa aking mga magulang upang
matulungan nila ako sa aking pag-aaral.
_____ c. Magkukunwari akong nawala ko ang liham.
2. Nakatanggap ka ng bola sa iyong kaarawan. Nasasabik kang laruin
ito sa sala. Sinabihan ka ng iyong ina na sa labas ka maglaro ng bola
dahil baka makabasag ka ng gamit.
_____ a. Itutuloy ko ang paglalaro ng bola.
_____ b. Yayayain ko ang aking kapatid na makipaglaro sa akin.
_____ c. Maglalaro na lang ako sa hardin.
3. Si Nanay ay naghanda ng masustansiyang pagkain para sa buong
pamilya. Gumawa siya ng sariwang vegetable salad at nag-ihaw ng
manok. Hindi mo gusto ang alinman sa inihanda niya. Ang gusto mo
lamang ay pritong manok.
_____ a. Hindi ako kakain.
_____ b. Susubukin kong kainin ang inihanda ng aking nanay lalo na
ang vegetable salad.
_____ c. Sasabihin ko kay nanay na ipagluto ako ng pritong manok.
4. Sina Lolo at Lola ay nagdiriwang ng espesyal na araw tuwing
Setyembre. Gusto mo at ng iyong mga kapatid na maipakita ang
pagpapahalaga sa kanila.
_____ a. Sasabihin ko sa aming mga magulang na sa kaarawan ko na
lamang maghanda ng masarap na pagkain.
_____ b. Hindi ko ipaaalala sa kanila ang okasyon.
_____ c. Gagawa kami ng espesyal na kard para sa kanila.
5. Ang bahay ng inyong mga kapitbahay ay natupok ng apoy at wala
silang naisalba kahit isang gamit.
_____ a. Sasabihin kong manghingi sila ng tulong sa komunidad.
_____ b. Sasabihin kong magtungo sila sa evacuation center.
_____ c. Hihilingin ko sa aking pamilya na magbigay ng pagkain at
mga damit para sa mga biktima ng sunog.
6. Ang iyong mga magulang ay nagpaplano ng party para sa kaarawan
ng iyong nakababatang kapatid.
_____ a. Hahayaan kong gawin ng aking mga magulang ang lahat
ng gawain.
_____ b. Magboboluntaryo akong maghanda ng mga palaro para sa
mga bisita upang maging masaya ang pagdiriwang.
_____ c. Sasabihin ko sa aking nanay na ihanda lang ang paborito
kong pagkain.
7. Ang iyong ate ay naiinggit sa mga regalong iyong natanggap sa
iyong kaarawan. Noong kaniyang kaarawan ay kaunti lamang ang
natanggap niya.
_____ a. Ibabahagi ko ang ibang regalo sa aking kapatid.
_____ b. Itatago ko ang aking mga regalo sa kaniya.
_____ c. Hindi ko hahayaang hawakan ng sinoman ang aking mga
regalo.
8. Hinihingi ng pamilya ang iyong mungkahi kung saan magandang
magtungo sa susunod na bakasyon.
_____ a. Magmumungkahi ako ng mahal na bakasyunan upang
gumastos nang malaki ang pamilya.
_____ b. Sasabihin ko na tanungin ang iba naming mga kamag-anak.
_____ c. Magmumungkahi ako ng lugar na maganda subalit hindi
kinakailangang gumastos nang malaki ang pamilya.
9. Tuwing Pasko ay nakagawian na ng ilan sa inyong kamag-anak na
mananghalian sa bahay ninyo.
_____ a. Imumungkahi ko na huwag muna kami magdiwang ng Pasko.
_____ b. Tutulong ako sa pagpapaganda ng aming bahay para sa
okasyon.
_____ c. Tatawagan ko ang aming mga kamag-anak at sasabihin
kong huwag magpunta sa amin.
10. Ang iyong pamilya ay nakaligtas sa isang malakas na bagyo.
_____ a. Magdadasal akong mag-isa.
_____ b. Iimbitahin ko ang aming mga kamag-anak na sama-sama
kaming magdasal bilang pasasalamat sa Diyos.
_____ c. Pupunta ako sa bahay ng aking kaibigan.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.