Panimula (Unang Araw ng Unang Linggo) Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili lamang. Nabubuhay tayo para maglingkod sa Diyos at sa ating kapwa. Ang tunay na pagmamahal sa kapwa ay in naipakikita sa pamamagitan ng pagkalinga at pagtulong ng bukal sa kalooban. Ang mabuting pakikipag ugnayan sa kapwa ay isang gawaing ipinagmamalaki ng mga Pilipino. Kailangan nating magtulungan at kalingain ang bawat isa upang mamuhay tayo ng masaya sa mundong ating ginagalawan. Katulad ng pakikipag usap natin sa ating mga magulang araw-araw, nasisiyahan tayong sabihin sa kanila lahat ng nangyayari sa atin sa bawat sandali ng ating buhay. Ganito din ang ginagawa natin kapag tayo ay nagdarasal sa Diyos. Nagpapasalamat tayo sa kanya sa lahat ng biyayang ibinibigay Niya sa atin. Sa araling ito, iyong malalaman ang mga paraan kung paano maipakikita ang tunay na pagmamahal sa kapwa 1. Photocredits: DAR May Bukas Pa Photocredits: ABS-CBN Entertainment Suriing mabuti ang mga larawan. Ano ano ang ipinakikita sa mga larawang ito? Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa iyong kapwa? Mahusay! Bilang mga responsableng mamamayan, tayo ay may pananagutan sa ating kapwa. Kaugnay nito, inilalaan natin ang ating sarili sa ating kapwa upang magbigay nang lakas sa bawat isa sa pagharap sa bawat hamon ng buhay. M​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.