Panimula: Maraming taong tuso at manloloko sa ating panahon. Patuloy silang nakapanloloko dahil sa kanilang pagiging mapagkunwari kaya't hindi namamalayan ng kanilang mga nagiging biktima na sila pala'y napapasok na sa isang bitag o kapahamakan. Ang ilang paraan ng modus operandi sa mga panloloko o scam ay mababasa sa ibaba. Subuking ipaliwanag sa patlang kung paano isinasagawa ang bawat isa.
Dugo-dugo:
Budol-budol:
Laglag Barya:
Answers & Comments
Dugo-dugo:
Nagsisismula sa taong kumakalap ng impormasyon tungkol sa isang pamilya. Susundan ito ng isang tawag sa telepono at hahanapin ang kasambahay. Ang manloloko ay magkukunwari ng katauhan. Ito ay magsasabi ng mga gawa gawang istorya upang magbigay ng pera o kaya alahas ang kasambahay at uutusan ito na pumunta sa isang lugar upang ibigay ang nga nalikom.
Budol-budol:
Ang mga manloloko ay karaniwang gumagamit ng hipnotismo, nagkukunwaring humihingi ng tulong o simpleng nakikipagkwentuhan lamang. Ang kawatan ay gumagamit ng pera o anuman upang makuha ang tiwala nito.
Laglag barya:
Ang mga manloloko ay naglalaglag ng barya malapit sa biktima upang makuha nito ang kaniyang atensyon. Habang abala ang biktima sa pagpulut ng pera, dito na sasalakay ang ibang kasama ng grupo upang dukutan o nakawan ang biktima