KAPAG nababanggit na ang salitang korapsyon, gobyerno kaagad ang nasa isip. Hindi matatanggal sa pag-iisip ng lahat, na kapag korapsyon na ang pinag-uusapan, siguradong gobyerno kaagad ang salarin. At hindi masisisi ang tao na mag-isip nang ganun, dahil masyadong malalalim na ang mga ugat nito sa burokrasya ng gobyerno.
Ilang taon na tayong nagsasabi na talamak ang kurapsyon sa bansa, ilang taon na rin natin naririnig ang salitang pagbabago, ilang taon na rin natin sinasabi na may pag-asa pa ang Pilipinas.
Saan ba dapat tayo magsimula bilang simpleng mamamayan hanggang sa ordinaryong tao na may paki-alam sa Pilipinas?
Sinasabi nila kailangan ng pagbabago, Anong Pagbabago ang kailangan nila? ano ang dapat baguhin? Kung tutuusin, sa hinaba-haba ng panahon na binigyan tayo ng pagkakataon na baguhin ang dapat at sa tingin natin ay dapat baguhin, wala tayong nabago. Andun pa rin si nanay, tatay, kuya, ate, lolo, lola at si totoy sa mga rally, sumisigaw ng pagbabago, ang nagawa lang natin baguhin ay ang mga tao sa gobyerno ang mga pangalan sa pulitika pero iisa pa rin ang sistema ng pamamalakad.
Sabi ni Juan kailangan natin ang pagbabago, tama na ang kurapsyon, tama na ang kahirapan, palitan na ang mga trapo at mga nagpapayaman lang sa pwesto. Si Juan na mismo ang nagsabi, "palitan ang trapo mga kurakot" napalitan na natin pero ganun pa rin, iisa pa rin ang resulta, balik nanaman tayo kay Juan at sisigaw nanaman ng pagbabago hanggang maulit muli.
Hindi madali ang pagbabago, it's never been easy to change something like politics, because if it is easy to change things, maybe nagawa na natin 20 taon na ang nakakaraan. si Juan ay isang mapagmatyag, mapanuri, at mapunang tao, hindi na bago kung lagi nyang napupuna ang pagkakamali ng isang tao, ang sabi ni inay hwag mong punahin ang pagkakamali ng iba, bagkus punahin mo ang mga nagawang kabutihan ng iba, pero hindi naman ngakamali si Juan, pinuna nya ang kabutihan ng taong kakampi nya ang pagkakamali yung kakampi nya lang ang pinuna nya ang kabutihan.
Saan magsisimula si Juan? Ang sabi ng tatay nya, simulan mo ang pagbabago sa sarili mo, pero hanggang ngayon hindi alam ni Juan kung kailan ang simula ng pagbabago.
Answers & Comments