PANGKAT: AYAKAL anuto: Suriing mabuti ang mga pangungusap. Salungguhitan ang paksa at bilugan ang pandiwang ginamit. Isulat sa patlang kung ang pokus ng pandiwa ay AKTOR, LAYON, GANAPAN, TAGATANGGAP, GAMIT, SANHI, o DIREKSYON.
1. Ginalugad nila ang abandonadong gusali upang maghanap ng ebidensya.
2. Ibinili ni Aling Martha ng keyk si Joseph para sa kaniyang kaarawan.
3. Ikinalungkot ni Rose ang pagpanaw ng kaniyang Nanay.
4. Ipinahid niya sa mukha ang lumang panyo.
5. Itago mo ang aking singsing.
6. Sinulatan niya ang kaniyang Nanay.
7. Kami ay ipinagluto ni Ate ng Adobo.
8. Maglilinis ng bahay si Camille sa Linggo.
9. Ikinagalit namin ang panggigipit ng aming boss.
10. Manonood ng teleserye si Daniel mamaya.
11. Nakita ni Mel ang nawawalang libro.
12. Pinagprotestahan ng mga kabataan ang labas ng paaralan.
13. Ipinansulat niya sa notbuk ang bagong biling lapis.
14. Nagsaing ng isda si Tatay Emilio para sa hapunan.
15. Ikinagalak niya ang magandang regalo ng kaniyang kapatid.
16. Pinuntahan niya ang ospital kung saan na-confine ang kaniyang asawa.
17. Kainin mo ang gulay.
18. Pinuntahan ng guro ang tahanan ng kaniyang mga estudyante. PETSA:
19. Tinahi niya ang damit ni Carlo.
20. Ipinanghampas niya sa mga magnanakaw ang mahabang stick.
Answers & Comments
Answer:
oo nga pa bilboard mo char