Questions


November 2022 1 7 Report
Pangako Ko: Tutuparin ko Kabilang si Jose sa mga magagaling na mag-aaral sa larangan ng sining sa kanilang paaralan. Mahusay siya sa pagkanta, pagsayaw, at maging sa sining biswal Nagmana lang naman siya sa kanyang mga magulang na bukod sa kilala bilang mga mahuhusay na guro sa kolehiyo ay pawang mga mababait pa, may isang salita at malaki ang pagpapahalaga sa pangakong binitawan Sa paparating na paligsahan sa Campus Journalism, napili si Jose bilang kinatawan ng paaralan sa Editorial Cartooning Masaya niyang tinanggap ito at nangakong pagbubutihin niya ang kanyang pagsasanay. Agad siyang nagsimula sa pagsasanay. Ilang linggo pa lamang ang nakalipas, ipinatawag si Jose ng kanyang guro sa EsP upang maging kalahok sa paligsahan sa pag-awit sa EsP Gustong-gusto ni Jose sumali dahil mahal din niya ang pag-awit ngunit alam niyang mahihirapan siya sa pagsasanay lalo pa thalos magkasabay ang iskedyul ng mga naturang paligsahan Alam ni Jose na hindi niya pwedeng pagsabayin ang pagsali sa mga paligsahan. Kaya naman ipinayo ng kanyang mga magulang na dapat panindigan niya ang kanyang naging unang desisyon sa pagsali sa Campus Journalism. Mahalagang pangatawanan niya ang kanyang binitawang pangako sapagkat siya ay may pananagutan at dito nakataya ang kanyang dangal at ng buong pamilya Ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsasanay sa Editorial Cartooning. Agad namang nakahanap ng panibagong kinatawan sa patimpalak sa pag-awit ang kanilang guro sa Esp



Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Tama ba ang naging desisyon ni jose sa pagtupad niya sa kanyang pangako? bakit?
___________________________

2. Anong kabutihan ang naidulot Kay Jose sa pagtupad niya sa kanyang pangako?
__________________________

3. Kung Ikaw SI Jose, gagawin mo Rin ba ang ginawa Niya? bakit?
___________________________

nonsense REPORT ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.