Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Basahin ang talata sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa. Kopyahin ang bulaklak sa iyong sagutang papel at itala sa bawat talutot ang mga detalyeng sumusuporta sa paksang diwa nito.
A. Iba't iba ang reaksiyon ng mga mamamayan sa pagsabog ng Bulkang Taal noong ika- 12 ng Enero, 2020. Umabot ito sa alert level 4 na ang ibig ipahiwatig ay isang mapanganib na pagsabog. Nagulat, natakot at napilitang lumikas ang mga mamamayan lalo na ang mga taong nakatira malapit sa lugar na ito. Nabitak ang ilang bahagi ng lupa at bahay dahil sa malakas na pagyanig ng kapaligiran. Nangamba rin ang mga may alagang hayop sapagkat hindi nila alam kung paano ililikas ang kanilang mga alaga sa isang ligtas na lugar nang mga oras na iyon.

Napawi ang kaligayahang nadarama ng magkasintahang nagpakasal sa araw na iyon sapagkat hindi naging maganda ang pagdiriwang ng kanilang pag-iisang dibdib. Nagsitakbuhan ang ilan nilang panauhin upang iligtas ang kanilang sarili sa biglaang pagdilim ng paligid, pagyanig ng lupa at pagsabog ng bulkan ng ilang kilometrong taas ng mga ulap ng abo at nag-iilaw dulot ng volcanic lightning. Ang lava fountains na ibinuga nito ay kahalintulad ng mas mataas pa sa Empire State Building. Isang karanasang hindi malilimutan ng mga taong nakaranas ng kalagayang ito. ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.