Ang salitang paleolitiko ay nagmula sa salitang Griyego na palaois at lithic. Ang palaois ay nangangahulugang "luma" at ang lithic ay nangangahulugang "bato". Kaya naman ito ay matatawag din bilang panahon ng lumang bato.
Uri ng Pamumuhay
•Nakatira sila sa ilalim ng malaking bato o yungib.
•Tinatawag silang nomadiko dahil sila ay lagalag at natutulog sila kung saan sila abutan ng dilim.
•Gumagamit ang mga tao sa panahong ito ng bato bilang pandurog sa matitigas na bagay.
•Natuto silang gumamit ng apoy.
•Ang mga tao rito ay umaasa lamang sa kalikasan.
•Pangangaso ang ikinabubuhay ng mga tao rito.
•Naging mahusay silang mga pintor. Umukit sila sa mga yungib gamit ang mga bato.
•Naghahandog sila ng pagkain sa paligid ng mga bangkay na nakalibing sa kanilang yungib.
Ang pagkadiskubre ng apoy ay naganap sa panahong paleolitiko.
Panahong Neolitiko
(9000-1800 BCE)
Tinatawag na Panahon ng Bagong Bato. Mabilis ang pag-unlad sa panahong ito at maraming pagsulong sa kultura ang naganap sa panahong ito.
Uri Ng Pamumuhay
•Nagsilabasan ang mga sinaunang tao sa yungib at naninirahan sila sa mga lawa, ilog at dagat.
•Naging magsasaka at mangangaso sila.
•Naging makinis ang kanilang mga kagamitan at sandata.
•Naimbento ang paggamit ng paso at gulong.
•Natuto silang gumamit ng mga binhi sa pananim.
•Natuto silang magtulungan na naging simula ng pamahalaan.
•Nagsimula silang bumuo ng military at mga estrukturang pang depensa tulad ng pader at tore.
•Dito nasaksihan ang tinatawag na urban revolution kung saan nagbago ang sistema ng paninirahan.
•Nagkaroon ng kaalaman ang mga tao sa astrolohiya at nabigation.
Ang kaalaman sa nabigasyon ng mga taong Neolitiko ang naging dahilan kaya sila lumaganap sa iba't ibang panig ng daigdig.
Panahon Ng Metal
(6000-1000 BCE)
Malaki ang papel na ginampanan ng metal sa pagsulong ng kultura. Ang batong kagamitan ay hindi nagtatagal at nadudurog din kung kaya't natutuhan ng tao ang paggawa ng kasangkapang gamit ang metal.
Uri Ng Pamumuhay
•Maraming larangan ang nabuksan at umunlad ngayon ng konstruksiyon at pagpapanday.
•Nakagawa ng iba't-ibang kasangkapang gawa sa metal tulad ng sibat, karet, palakol,kutsilyo at maging tambol.
•Ang panahong ito ay maituturing na malaking impluwensya sa paghubog ng mga kabihasnan sa mundo.
Answers & Comments
Answer:
Panahong Paleolitiko
(70,000-12,000 BCE)