Pamamaraan: Ipakita kung paano mo iginagalang ang damdamin ng iba. Magbigay ng sariling paraan upang tumugon sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
1. Tuwang-tuwa ang iyong kapitbahay dahil nanalo siya sa patimpalak sa pag-awit. Isa ka sa mga kalahok. Ano ang gagawin mo?
2. Si Lorna ang bago mong kaklase. Manggi - mahiyain pa siya. Ano ang gagawin mo?
3. Kahit na si Mark ay may kapansanan sa katawan, sinusubukan pa rin niyang pumasok sa paaralan. Pinagtawanan siya ng ibang mga bata. Ano ang gagawin mo?
4. Napakadumi ng iyong bahay. Naaalala mo ang iyong ina na nagagalit kapag ang bahay ay magulo. Ano ang gagawin mo?
5. Nakita mo ang isang malungkot na bata sa harap ng iyong bahay. Namumulot siya ng pagkain sa iyong basura. Ano ang gagawin mo?
Answers & Comments
Answer:
1. magiging masaya ako at babatiin ko sila kahit ako ay natalo.
2.Kakaibiganin ko siya at ipapakilala ko siya sa aming mga kaklase upang marami pa siyang maging kaibigan.
3.Sasabihin ko sa mga na ngungutya ay wag silang mangutya dahil masama ito.
4.Aagahan ko ang aking paglilinis at sisiguraduhin kong malinis ang aming bahay upang maaari ko ng gawin ang gusto ko.
5.Bibigyan ko siya ng pagkain at tubig kakaibiganin ko siya upang hindi na siya malungkot.
Explanation:
Ayan na po sana po makatulong sa inyo