Questions


August 2022 1 36 Report
Pamalaye

Sa bayan ng Panay ay may magandang dilag na nagngangalang Mira.
Maraming binatang nanligaw sa kaniya dahil bukod sa maganda na, napakabait
at napakatalino pa. Sa mga binatang nagpapansin dito, may isang namumukod
tanging nakakuha ng pansin ng dalaga at siya ay si Lucas. Si Lucas ay isang
binatang simple ngunit napakasipag at may ginintuang puso at dahil sa katangian
niyang ito, naibigan siya ng nasabing dilag. Mula noon, ay nagmahalan ang dalawa
at nangako sa isa't isa na walang iwanan.
Hindi nagtagal napagdesisyunan nilang mag-isang dibdib. Ngunit bago ang
kasalan may tradisyon sa Panay na sinusunod at ito ay ang Pamalaye,
Ang pamalaye ay isang kaugalian na kung saan bago ang kasalan, ang
binata ay pumupunta sa bahay ng kaniyang mapapangasawa kasama ang
kaniyang pamilya. Dito pinag-uusapan ang pagtatakda ng kasal at iba pang bagay
na kakailanganin. Pagkatapos magkasundo ang dalawang panig ay may salo-salo
na nagaganap.
Kaya't si Lucas ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa. Dinala niya ang
kaniyang pamilya sa bahay nina Mira. Nagdala rin sila ng mga pagkain. Dahil sa
mahal na mahal nila ang isat isa at hindi sila mapaghihiwalay, nagkasundo ang
mga magulang nila na sila'y ipakasal na
Hindi naglaon, sina Mira at Lucas ay ikinasal sa isang simpleng okasyon
ngunit naging masaya at makahulugan dahil kasama nila ang kani-kanilang mga
pamilya at mga malalapit na kaanak at mga kaibigan

Sagutin ang sumunod na tanong at isulat sa sagutang papel.
1. Tungkol saan ang tekstong binasa?
2. Ano ang tradisyon sa Panay ang kanilang sinusunod?
3. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Lucas, susundin mo ba ang tradisyon ng
inyong lugar? Ipaliwanag.
4. Paano mo maipapakita sa isang taong ang iyong tunay na pagmamahal para
sa kanya?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.