Ang Santacruzan ay isa sa mga pinakatanyag na tradisyong Pilipino noon hanggang ngayon. Noong taong tatlong-daan, dalawampu’t anim, Ado Domini, naglakbay si Reyna Elena upang hanapin ang Krus ni Hesus. Ang Santacruzan ay isang pagsasadula ng pinaniniwalaang paghahanap ni Reyna Elena. Ito ay dinadaluhan ng mga Pilipino sa kanilang mga barangay ngunit, alam ba nila ang ibig sabihin nito? Dahil sa paglipas ng panahon, nabago-bago na ang tunay na mensahe ng Santacruzan. Ang Santacruzan noon ay isang makabuluhang tradisyon. Ang prusisyon ay sagrado at napupuno ng mga lumalakad na mga tao habang nagdarasal. Dahil ditto, malinaw na malinaw ang mensahe ng Santacruzan. Subalit, ang santacruzan ngayon ay nagmimistulang isang palabas ng karikatan at kagandahan ng mga kalahok na lamang. Ang mga lumalahok ay nagpapa-bonggahan sa kanilang nga maningning na baro at arko. Nawawala na ang totoong kahulugan at itinataas nila ang sarili lamang at hindi na ang Diyos. Dahil dito, nagpaalala ang simbahan sa lahat ng parokyano ng Santacruzan. Dapat lagi nating alalahanin na ang Santacruzan ay isang alay kay Maria. Sabi nga nga ng ating mahal na Kardinal,”Ang Santacruzan ay dapat simple lamang pero umaapaw at sobra-sobra sa kahulugan at mensahe.” Sana magsilbing gabay ito para matanto natin ang tunay na kahulugan ng Santacruzan. Ito ay isang alay ng pasasalamat sa Diyos. Ang Santacruzan ay hindi kailangang magarbo. Lagi sana nating alalahanin ang totoong mensahe nito. Sa huli, ang pagpapakita ng panata sa Diyos ay wala sa ningning, kariktan at garbo, ngunit ito’y nasa puso.
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
Sana po makatulong