1. Salungguhitan ang pangunahing diwa/paksa sa mga sumusunod na talata. 1. Maipagmamalaki ng mga Pilipino ang ating mayamang kultura. Bahagi ng kultura ang sining musika, panitikan, sayaw, paglililok at paglikha ng mga bagay na nangangailangan ng hilig at talino. Maraming mananaliksik na Pilipino at Espanyol ang nagpapatunay na ang mga ito ay may maunlad nang panitikan bago pa sila dumating. 2. Ang ating pamahalaan ay may mga pagbabagong isinasagawa sa Sistema ng ating edukasyon. Bunga ng pagbabago ng kurikulum, itinuturo ngayon sa mga paaralan ang wastong pagpapahalaga sa ating pamanang kultura, kaugalian at tradisyon. Ang pamahalaan ay may iba't ibang programa para sa pagpapaunlad ng kultura. 3. May mga layunin ang mga Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Ang pagsasanay sa mga kabataan sa musika, sayaw, drama, at sining. Pinagsasanay rin ang mga guro sa pamamagitan ng mga seminar at workshop. Nananaliksik din sila ng tungkol sa mga katutubong sayaw at iba pang mga sinaunang tradisyon ng mga Pilipino. Ang kulturang material ay binubuo ng mga bagay-bagay-bagay na nakikita at nahahawakan. Ang kulturang di material ay tumutukoy sa pagpapahalaga, kaugalian, paniniwala, saloobin, kinagawian at kuru-kuro. Nauuri sa dalawa ang kultura ng isang bansa, material at di-materyal. 5. Ang kanlurang bahagi ng rehiyon ay walang tiyak na panahon ng tag-init at tag-ulan. Ang tag-init ay karaniwang tumatagal ng isa hanggang tatlong buwan at sa mga nalalabing buwan naman ng taon ay ang tag-ulan. May pagkakaiba-iba ang klima ng rehiyon bunga ng lokasyon at topograpiya nito. ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.