1 Narito ang ilang halimbawa. Seleksiyon 1 Sinusundo at sinasamahan siya sa kanyang pupuntahan. Isang natatanging pagdiriwang ang Sunduan. Nagmula ito sa kaugaliang hindi umaalis sa bahay ang dalaga nang nag-iisa. Binubuhay ang kaugaliang ito tuwing sasapit ang pista ng bayan ng Parañaque 1. Tungkol saan ang seleksiyon? Sagot: Tungkol sa Sunduan 2. Ano-ano ang sinasabi tungkol sa Sunduan? a. Nagmula ito sa kaugaliang hindi umaalis sa bahay ang dalaga nang nag-iisa. b. Sinusundoat sinasamahan siya sa kanyang pupuntahan. c. Binubuhay ang kaugaliang ito tuwing sasapit ang pista ng bayan ng Parañaque. 3. Anong pangungusap ang nagsasabi ng buong diwa ng lahat ng sinabi tungkol sa Sunduan? Sagot: Isang natatanging pagdiriwang ang Sunduan. Samakatuwid, ang paksa ng seleksiyon ay "Sunduan" sapagkat ito ang nagsasaad ng pangunahing diwa kaisipan/paksa ng binasa. O
Answers & Comments
Answer:
1. Kabinet o Kahon – dito itinatago ang ulo o katawan ng makina. Karaniwang
mayroon na ring mga kahon para sa mga sinulid, gunting at iba pang kagamitan
sa pananahi.
2. Ulo – ito ang buong makinang panahi. Binubuo ito ng maliliit at tiyak na bahagi
upang ang makina ay umandar.
3. Bed o Kama – ito ang patungan ng tinatahi.
4. Spool pin – pinaglalagyan ito ng karete ng sinulid sa itaas na bahagi ng ulo ng
makina.
5. Balance wheel – nagpapaandar ito o nagpapahinto sa makina, katulong ang
gulong sa ilalim.
6. Bobbin winder – pinaglalagyan ito ng bobina upang makapag-ikid ng sinulid.
7. Bobina – pinaglalagyan ito ng sinulid sa ilalim ng makina.
8. Shuttle – pinaglalagyan ito ng bobina sa ilalim ng makina.
9. Belt o Koreya/Kulindang – ito ang nagdurugtong sa maliit na gulong sa ibabaw
at sa malaking gulong sa ibaba ng makina.
10.Thread guide – binubuo ito ng tatlong kalawit na pumapatnubay sa sinulid mula
sa spool pin hanggang sa karayom.
11.Presser foot – bahagi ito ng makina na pumipigil o umiipit sa tela habang tinatahi.
12.Presser lifter – ito ang nagtataas o nagbababa ng presser foot.
13.Feed dog o Ngipin ng makina – nasa ilalim ito ng presser foot na nag-uusod ng
tela habang tinatahi ito.
14.Needle bar – pinaglalagyan ito ng karayom at nagdadala ng sinulid sa itaas kapag
tinatahi.
15.Throat plate – ito ang platong metal na nasa ilalim ng karayom.
16.Slide plate – ito ay takip na metal na maaaring buksan upang maalis o mapalitan
ang bobina.
17.Stitch regulator – bahagi ito na nasa ibaba ng ikutan ng sinulid sa bobina na nag-
aayos ng haba o ikli ng mga tahi.
18.Tension regulator – ito ang bahaging nagluluwag o naghihigpit ng tahi.
19.Drive wheel – ito ang malaking gulong na nakikita sa gawing kanan ng makina
sa ilalim ng kabinet. Ito ang pinagkakabitan ng kulindang at nagpapaikot ng
balance wheel.
20.Treadle. Tapakan o Pidal – ito ang pinapatungan ng mga paa upang patakbuhin
ang makina.
21.Needle clamp – ito ang nagsisilbing kabitan ng karayom.
pa brainliest po