Answer:
Sila'y nagkasundong magtanim ng saging,
Kanya raw ang dulo ang sabi ni matsing,
Kaya ang kay pagong ugat ang nabilin.
Parehong naghukay saka nagtanim,
Ang tanim na saging ni Matsi'y nalanta,
Pagkat puro dahon at wala ang ugat,
Samantang kay pagong nama'y mabilis umangat,
Mabilis lumaki at namunga na rin,
At nang mahinog na'y may po-problemahin,
Paano kukunin ang hinog na saging?
Ang sabi ni Matsing tutulungan kita,
Huwag kang mag-alala ako ang kukuha,
Basta't kasundua'y maghahati tayong dalawa,
Ang hinog na saging aking makukuha.
Natuwa si Pagong sa sabi ng matsing,
Ikaw pala nama'y isang matulungin;
Kaya nga't umakyat si Matsing sa puno ng saging,
Upang mga bunga'y simulang kuhanin.
Ngunit ang problema nung nasa dulo na,
Ang lahat ng saging kinaing lahat niya;
Ang kawawang pagong hindi na inalala,
Di manlang binigyan kahit isang bunga.
Sa galit ni Pagong kumuha ng tinik,
Sa puno ng saging ito'y idinikit;
Pagbaba ni Matsing nagkasabit-sabit,
Ang buong katawa'y napuno ng tinik.
Papatayin kita! ang wika ng Matsing,
Pag nahuli kita'y lagot ka sa akin;
Habang inaalis yaring mga tinik,
May nakitang bao't naupo s'yang saglit;
Nang maramdaman n'yang mayroong sumipit,
Kinagat buntot n'ya pagkasakit-sakit.
Naku pagong pala kanyang inupuan!
Sa galit ni Matsing agad hinawakan;
Dahil sa gawa mo ika'y mamamatay,
Hagis ka sa apoy hanggang sa madarang.
Ay naku salamat yan ang aking gusto,
Kapag nasa apo'y pupulang kutis ko;
Maraming dalaga ang magkakagusto,
Magseselos ka lang sa tagahanga ko!
Kung gayon ay ika'y aking tatadtarin,
Mga piraso mo'y di kayang bilangin.
Bakit di subakang ito ay yong gawin,
Nang dumami ako't ika'y kalabanin.
Aha alam ko na, ihahagis kita,
Doon sa may ilog at nang mamatay ka;
Nakupo! Nakupo! Maghunos dili ka,
Huwag mo 'yang gagawin parang awa mo na!
Maglangoy sa ilog di ko kayang gawin,
Mamamatay ako sana'y patawarin;
Kung gayon ay ito ang siya kong gagawin,
Kasabay ang hagis sa pagong ni Matsing.
Pagpatak sa tubig ang sabi'y salamat,
Dito ang bahay ko at dito namulat;
Kaya nga si Matsing ay napamulagat,
Nilinlang siya ng kanyang kausap.
Explanation:
Cttro po inedit ko lang yung iba, I hope it's help!!
Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.
Answers & Comments
Answer:
Sila'y nagkasundong magtanim ng saging,
Kanya raw ang dulo ang sabi ni matsing,
Kaya ang kay pagong ugat ang nabilin.
Parehong naghukay saka nagtanim,
Ang tanim na saging ni Matsi'y nalanta,
Pagkat puro dahon at wala ang ugat,
Samantang kay pagong nama'y mabilis umangat,
Mabilis lumaki at namunga na rin,
At nang mahinog na'y may po-problemahin,
Paano kukunin ang hinog na saging?
Ang sabi ni Matsing tutulungan kita,
Huwag kang mag-alala ako ang kukuha,
Basta't kasundua'y maghahati tayong dalawa,
Ang hinog na saging aking makukuha.
Natuwa si Pagong sa sabi ng matsing,
Ikaw pala nama'y isang matulungin;
Kaya nga't umakyat si Matsing sa puno ng saging,
Upang mga bunga'y simulang kuhanin.
Ngunit ang problema nung nasa dulo na,
Ang lahat ng saging kinaing lahat niya;
Ang kawawang pagong hindi na inalala,
Di manlang binigyan kahit isang bunga.
Sa galit ni Pagong kumuha ng tinik,
Sa puno ng saging ito'y idinikit;
Pagbaba ni Matsing nagkasabit-sabit,
Ang buong katawa'y napuno ng tinik.
Papatayin kita! ang wika ng Matsing,
Pag nahuli kita'y lagot ka sa akin;
Habang inaalis yaring mga tinik,
May nakitang bao't naupo s'yang saglit;
Nang maramdaman n'yang mayroong sumipit,
Kinagat buntot n'ya pagkasakit-sakit.
Naku pagong pala kanyang inupuan!
Sa galit ni Matsing agad hinawakan;
Dahil sa gawa mo ika'y mamamatay,
Hagis ka sa apoy hanggang sa madarang.
Ay naku salamat yan ang aking gusto,
Kapag nasa apo'y pupulang kutis ko;
Maraming dalaga ang magkakagusto,
Magseselos ka lang sa tagahanga ko!
Kung gayon ay ika'y aking tatadtarin,
Mga piraso mo'y di kayang bilangin.
Bakit di subakang ito ay yong gawin,
Nang dumami ako't ika'y kalabanin.
Aha alam ko na, ihahagis kita,
Doon sa may ilog at nang mamatay ka;
Nakupo! Nakupo! Maghunos dili ka,
Huwag mo 'yang gagawin parang awa mo na!
Maglangoy sa ilog di ko kayang gawin,
Mamamatay ako sana'y patawarin;
Kung gayon ay ito ang siya kong gagawin,
Kasabay ang hagis sa pagong ni Matsing.
Pagpatak sa tubig ang sabi'y salamat,
Dito ang bahay ko at dito namulat;
Kaya nga si Matsing ay napamulagat,
Nilinlang siya ng kanyang kausap.
Explanation:
Cttro po inedit ko lang yung iba, I hope it's help!!