Ibigay ang sarili mong interpretasyon sa mga pahayag na hinango sa akdang "Mga Patak ng Luha".
ㅤ
MGA KASAGUTAN:
1. ❝Ang Bawat Isa ay May Pagkakabukod-Tangi.❞
Para sa akin, ang ibig sabihin ng mga pananalitang ito ay lahat ng indibidwal ay natatangi at espesyal sa iba't-ibang paraan.Maaaring mayroon tayo o lahat naman tayo, ay mayroong mga kahinaan, limitasyon, at mga pagkukulang. Pero ang akdang nabasa ko ay talagang nakatutunaw ng puso at nakapagbubukas ng aking diwa. Bakit? Anupat nais ipabatid dito ng awtor o ng manunulat na bagaman mayroon tayong mga di-kayang gawin, kahinaan, at mga limitasyon, mayroon tayong kani-kaniyang kahusayan o talento,at katalinuhan,na siyangdahilan ng ating pag-angat at pagiging natatangi o espesyal.
ㅤ
2. ❝Wala pa siyang sapat na lakas upang tumutol sa kagustuhan ng kaniyang Ama.❞
Ang tinutukoy dito na lakas ay hindi isang pisikal na lakas. Bagaman binanggit na may malubhang sakit ang batang si Ishaan, ang tinutukoy rito ay ang kawalan ng tapang at lakas ng loob ni Ishaan.Marahil, dahil nabanggiy sa akda na lagi siyang napaparuhasan, pinagsasalitaan ng masasakit, at minamaliit, pakiramdam niya'y wala siyang halaga kaya naman pinanghihinaan siya ng loob.Bumaba ang kaniyang kumpiyansa sa sarili at nawalan siya ng lakas ng loob para ipagtanggol ang kaniyang sarili at mangatwiran laban sa kaniyang ama.
ㅤ
ㅤ
3. ❝Nagpabago ng pagtingin ng kaniyang mga magulang. Nagpabago ng sistema ng iba pang guro.. at marahil.. nagpabago ng aking pagpapahalaga bilang isang guro ❞
ㅤ
Dito ipinakita ng Guro na ang paglago ng mag-aaral ay nagdudulot pagbabago sa pananaw at tingin sa kaniya ng kaniyang mga magulang, guro at gayundin, binago rin nito ang takbo ng kaisipan ng mga guro. Bakit? Dahil hindi lahat ng guro ay bukas ang isipan. Iniisip ng ibang guro na kailangang pantay-pantay ang lahat ng estudyante. Dahil diyan, kadalasang nagkakaroon ng paboritismo at pagtatangi sa loob ng paaralan. Pero dahil pinatunayan ni Ishaan na lahat ng indibidwal ay may kani-kaniyang kahusayan at espesyal sa natatanging paraan, nabago nito ang pananaw ng mga tao pagdating sa kahalagahan at dignidad ng bawat indibidwal.
Answers & Comments
Verified answer
MGA PATAK NG LUHA
ㅤ
ㅤ
GAWAIN 7 ; PANUTO:
ㅤ
MGA KASAGUTAN:
1. ❝Ang Bawat Isa ay May Pagkakabukod-Tangi.❞
ㅤ
2. ❝Wala pa siyang sapat na lakas upang tumutol sa kagustuhan ng kaniyang Ama.❞
ㅤ
ㅤ
3. ❝Nagpabago ng pagtingin ng kaniyang mga magulang. Nagpabago ng sistema ng iba pang guro.. at marahil.. nagpabago ng aking pagpapahalaga bilang isang guro ❞
ㅤ
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
#CarryOnLearning
(^_^メ)