Questions


September 2022 1 3 Report
paki summary nga ito
epiko ni gilgamesh
Nagsimula ang epiko ito sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, ngunit isang mayabang siya at abusado sa kanyang kapangyarihan kung kaya’t nanalangin ang kanyang mga nasasakupan sa kanyang kaharian na makalaya sa kanya.
Tinugon ng mga diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ang mga diyos ito ng isang kasinlakas ni Gilgamesh na walang iba na si Enkido. Sa bandang huli nito ay naging silang matalik na magkaibigan sila. Ang una nilang napatay ay si Humbaba, and isang demonyong nagbabantay sa kagubatan. Nang tangkain nina Gilgamesh at Enkido na siraan ang diyosang si Ishtar, pinadala ni Ishtar ang toro ng kalangitan upang wasakin nito ang kalupaan dahil sa kawalan ng paggalang sa kanya itinakda ng mga ito na dapat may isang mamatay sa kanilang dalawa at iyon ay si Enkido. Nagkaroon si Enkido ng isang matinding karamdaman.
Habang nakaratay si Enkido, sa sama ng kaniyang pakiramdam ay ikwinento niya kay Gilgamesh ang kaniyang mga nangyari at nagawa, pati na rin ang tungkol sakanyang panaginip noon kung saan ginawang pakpak ang kaniyang mga kamay ng isang nilalang na mukhang bampira.
Pumasok raw si Enkido sa isang maalikabok na isang bahay sa kanyang panaginip, at doon niya nakita ang ilan sa mga diyos at hari. Tinanong siya ni Belit-Sheri kung bakit siya naroroon. Dito na nagising si Enkido nang namumutla at naguguluhan sa kanyang panaginip.
Pinunasan ni Gilgamesh ang kaniyang mga luha gamit ang pinunit nitong damit at sinabi kay Enkido nito hindi kapani-paniwala ang kanyang napaginipan ngunit kailangan niyang paniwalaan dahil maaari din namang dumating kahit sa isang malakas na tao ang nararamdamang paghihinagpis.
Palala na nang palala ang naging karamdaman ni Enkido. Umabot ito ng sampu hanggang labindalawang araw ang kaniyang paghihinagpis dahil kahiya-hiya ang kaniyang magiging kamatayan dahil mas gusto niya ang mamatay sa digmaan kaysa sa mamatay dahil lang sa isang karamdaman.
Nagluksa si Gilgamesh sa pagkamatay ng kaniyang matalik na kaibigan. Sa loob ng pitong araw ay pinagpatayo niya ito ng estatwa bilang pagbibigay parangal sa kaniya.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.