Paki sagot po ng maayos please pooo…thank you!<3
Unawaing mabuti ang kwento at gumawa ng buod na may limang (5) pangungusap.
Alamat ng Pinya
Noong unang panahon, may mag-inang nakatira sa isang malayong lugar. Ang ina ay si
Aling Rosa, samantalang ang kanyang anak ay si Pinang. Gustong-gusto ni Aling Rosa na
turuan si Pinang na gumawa ng mga gawaing bahay ngunit palaging sinasabi ni Pinang na
siya'y marunong na at hindi na siya dapat turuan pa.
Isang araw, si Aling Rosa ay nagkasakit at napilitan si Pinang na magluto para sa
kanyang ina. Matagal-tagal rin si Aling Rosa na nagkasakit at si Pinang ay matagal ring
napilitang gumawa ng mga gawain sa bahay. Pagkaraan ng ilang araw, pumunta si Pinang kay
Aling Rosa at sinabing hindi niya mahanap ang sandok. Sagot naman ni Aling Rosa,
»Naku!
Sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na
tanong nang tanong sa akin."
Pagkalipas ng ilang araw, nagtaka si Aling Rosa kung bakit hindi nagdadala ng pagkain si
Pinang para sa kanya. Nang gumaling na si Aling Rosa, hinanap niya si Pinang. Siya'y
nagtanong sa mga kapitbahay ngunit walang nakakita sa kana. Isang umaga habang siya ay
nakatanaw sa bintana, napansin niya sa kanyang bakuran ang isang bagong halamang
tumutubo na may bunga. Ang bunga nito ay parang mukha na maraming mata. Naalala niya
ang kanyang sinabi kay Pinang. Ang halamang ito ay binigyan nya ng pangalan bilang pag-alala
sa kanyang anak na si Pinang na pagkaraan ng panahon ito ay tinawag itong pinya.
Answers & Comments
Verified answer
Sa "Alamat ng Pinya," si Aling Rosa ay nagturo sa kanyang anak na si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit hindi ito interesado. Nang magkasakit si Aling Rosa, si Pinang ay napilitang gumawa ng mga gawaing bahay at magluto para sa kanyang ina. Nang hinanap ni Aling Rosa si Pinang pagkatapos gumaling, hindi niya ito mahanap. Nakita niya ang isang bagong halamang may bunga na mukhang may maraming mata, at ito ay tinawag niyang pinya bilang pag-alala sa kanyang anak.-pabrainliest bilang pasasalamat.