Ang sarsuwela o zarzuela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata. Ito’y nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ang sarsuwela ay impluwensiya ng mga Kastila. Kung ihahalintulad natin ang sarsuwela sa isang realistikong dula, ito ay walang gaanong kaibahan, kaya lamang ang ibang linya sa sarsuwela ay kadalasang kinakanta at patula ang dialogo nito. Kadalasan ang sarsuwela ay nagtatapos palagi sa masayang pagwawakas, kasiyahan o nakakaaliw na tagpo.
BODABIL
Ang bodabil ay isang uri ng pagtatanghal na hinaluan ng samu’t saring libangan na nagaganap sa entablado. Noong 1920, isang Pilipinong mantatanghal na nagngangalang Luis Borromeo ang bumalik sa Pilipinas mula Hilagang Amerika, na nagpakita ng sining pagganap na tinawag na “Borromeo Lou”, at inayos na naging kauna-unahang kompanya ng Pilipinong bodabil.
Answers & Comments
Explanation:
SARSUWELA