Questions


September 2022 2 1 Report
PAKI AYOS PO NG SAGOT NYO :) NON-SENSE ANSWERS = AUTO REPORT 5x:]



Pandemyang COVID -19
ni Joyell R. San Buenaventura
Disyembre, 2019 nang matuklasan ang ilang kaso ng 2019 – nCoV sa ilang tao
sa Wuhan, Tsina. Ito ay malubhang pneumonia na kumalat sa iba pang mga siyudad
at ngayon ay sa buong mundo. Noong Pebrero, 2020 inirekomenda ng World Health
Organization na palitan ang opisyal na pangalan nito sa “2019 novel coronavirus
Acute Respiratory Disease” o COVID-19.
Kinumpirma din ng World Health Organization (WHO) na ang COVID-19 ay
naipapasa tao-sa-tao. Batay sa kanilang mga pag - aaral, wala pang sapat na
ebidensyang nagpapatunay sa tindi at bilis ng pagkahawa nito.
Base sa WHO, ang mga karaniwang sintomas na dulot ng COVID-19 ay lagnat,
pagkapagod, at dry cough. Ilan sa mga pasyente ay nakararanas ng sipon at baradong
ilong, sore throat, o diarrhea. Habang isa (1) lamang sa anim (6) na pasyente ang
nagkakaroon ng hirap sa paghinga at nagiging malubha ang kalagayan. Sa mgamalulubhang kaso, maaari itong maging sanhi ng pneumonia, acute respiratory
syndrome, problema sa bato, at pagkamatay.
Ito ay naipapasa lamang sa pamamagitan ng maliliit na talsik ng laway o
airborne droplets mula sa ubo ng taong infected nito. Kung hindi uubo ang taong
infected o taong symptomatic, malaki ang posibilidad na hindi siya makahawa ng iba.
Ang mga taong asymptomatic ay nangangahulugang hindi nakararamdam ng
anumang mga sintomas subalit maaaring infected ng COVID-19. Kailangan ang mag-
quarantine sa loob ng 10 araw o pumunta sa ospital.


____1. Ang Covid-19 ay isang uri ng virus na naihahalintulad sa sakit na
A. Cancer sa baga C. Influenza
B. Cancer sa lalamunan D. Pnemonia
____2. Sinasabing unang lumaganap ang sakit na Covid-19 sa bansang
A. China C. Amerika
B. South Korea D. Spain
____3. Ang sakit na Covid-19 ay maaaring maipasa sa iba sa pamamagitan ng
A. Paghawak sa kamay C. Iisang personal na gamit
B. Pag-ubo D. Direktang tinginan
____4. Ang ibig sabihin ng asymptomatic ay
A. Makakahawa sa iba sa pamamgitan ng pakikipag-usap
B. Walang sintomas ng sakit ngunit makahahawa
C. Nagpakita ng sintomas ng sakit
D. Maaaring mag-quarantine ng 7 araw
____5. Layunin ng tekstong binasa na
A. Ipabatid ang tungkol sa COVID-19
B. Manghikayat na maniwala sa sakit
C. Itampok ang nakahahawang sakit
D. Manakot ng mga tao



nagpakahirap po akong mag type nyan so pakiayos po ng sagot nyo :(

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.