Questions


October 2022 1 1 Report
Pahelp po plsss... seryoso pong sagot... ibibrainliest ko po 100%%%%
Pakigawan po ng Buod yung kwento.. salamat po

Tulay na Kahoy

Dahil sa malakas na ulan, natanggal ang malaking kahoy na nagsisilbing tulay sa ilog malapit sa bahay ni Pipoy Pagong. Hindi tuloy makapasok sa paaralan ang mga bata. Hindi makapasok sa kani- kanilang trabaho ang kaniyang mga kababaryo. Madilim-dilim pa, inumpisahan na ni Pipoy hilahin ang isang malaking kahoy na kaniyang nakita. Inabot na siya ng pagsikat ng araw at sa pagdating ni Kiko Kuneho. "Ano kaya ang gagawin ni Pipoy?" tanong ni Kiko. Naupo siya sa tabi ng ilog at nakangising pinanood si Pipoy. Makalipas ang ilang oras, natapos din si Pipoy sa pagkakatang ng mga bato sa isang dulo ng kahoy. Palangoy na si Pipoy sa kabilang dulo nang maisipan ni Kiko na magbiro. Parehong abala sa magkabilang dulo sina Pipoy at Kiko. Pagbalik ni Pipoy, napakamot ng ulo at takang-taka kung bakit nawala ang mga bato na kaniyang inilagay. Kaya pinagtiyagaan niya na gawin muli ito. Habang abala si Pipoy sa kabilang dulo, si Kiko naman ay abala rin sa kabilang dulo ng tulay. Sa pagtulak niya ng isang malaking bato, kasama siyang nahulog sa malamig na tubig ng ilog. "Tulong! Tulong!" sigaw ni Kiko. Hindi pala siya marunong lumangoy Nakita ni Pipoy ang sinapit ni Kiko. Hindi nagdalawang-isip, agad siyang lumangoy palapit kay Kiko. Pagmulat ng mga mata ni Kiko, nakaupo si Pipoy sa kaniyang tabi. "Kumusta ka na? Nilagyan kita ng kumot para hindi
ka lamigin." Napahiya si Kiko sa ginawa niya kay Pipoy kaya agad siyang bumangon at nag-umpisang maghakot ng mga bato. Isa isang nilagay ito sa kabilang dulo ng tulay na kahoy habang si Pipoy at abala sa kabilang dulo. Madilim na nang matapos ang kanilang ginagawa. Masayang pinanood ng bagong magkaibigan ang kanilang mga kabaryo na masayang tumatawid sa bagong tulay na kahoy na kanilang ginawa.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.