pahelp po pls eto po yung story nya
Ang kalikasan ay sadyang ipinagkaloob sa atin ng Panginoon upang
makatulong sa ating pamumuhay sa mundo. Nariyan ang mga puno at halamang
nagbibigay ng pagkain, ang mga ilog at dagat na bukal ng mga isda, at lamang –
tubig na pinakikibangan natin. Ang mga kabundukan na may mga mina at troso,
bukod pa sa mga ibon at hayop na nagbibigay din ng pagkain sa atin.
Sa gitna ng mga biyayang tinatamasa natin mula sa kalikasan, unti – unti
naman nating nalimutan na may tungkulin din tayo sa kalikasan. Winalang-bahala
natin ang pinagkukunang ito ng ating ikinabubuhay. Nalimutan nating magtanim
ng mga bagong puno at halaman kapalit ng mga kinuha natin. Sinunog din natin
ang mga kabundukan, na ang naging kapalit ay baha at pagguho ng lupa. Gumamit
tayo ng mga paraang nakapipinsala, tulad ng dinamita at pinong lambat sa
panghuhuli ng mga isda. Naging dahilan ito ng pagkamatay ng mga maliliit na isda.
Hinuli natin ang mga ibon at hayop sa kagubatan na dapat sana ay tinutulungan
nating dumami ang lahi.
Naging tagapagwasak tayo ng kalikasan sa halip na tagapangalaga. Ngayon
ay nararanasan na natin ang ganti ng kalikasan. Umiinit na ang panahon dahil sa
kawalan ng lilim ng mga puno. Natutuyo na rin ang mga sapa at ilog. Malimit na ang
pagbaha. Kulang na tayo sa mga pagkaing tulad ng mga prutas at gulay. Mahina na
rin ang aning nakukuha sa ating mga palayan dahil sa matagal na tag – init at
kasalatan sa patubig. Dahil dito, umaangkat na tayo ng bigas. Nararapat na tayong
kumilos ngayon habang may natitira pang yaman ang ating kalikasan. Isipin natin
ang darating pang henerasyon na maaaring wala nang makitang mga puno at ibon
sa paligid. Harapin natin ang ating mga tungkulin bilang tagapangalaga ng
kalikasan
Answers & Comments
Answer:
•Sanhi naka bold letters bunga baka underlined
1. Umiinit na ang panahon dahil sa kawalan ng lilim ng mga puno.
2.Mahina na rin ang aning nakukuha sa ating mga palayan dahil sa matagal na tag-init at kasalatan sa patubig.
3. Gumamit tayo ng mga paraang nakakapinsala,tulad ng dinamita at pinong lambat, naging dahilan ito ng pagkamatay ng maliliit na isda.
4.
5.
Explanation:
Yan lang po alam ko kayo na bahala.