PAHELP PO MEDYO DI KO PO GETS


Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa Pagppasiya at Paghubog ng Pananampalataya



Pagbibigay ng Edukasyon



Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan. Hindi magagampanan ng mga magulang ang kanilang tungkulin sa edukasyon ng kanilang mga anak kung hindi sila bibigyan ng karapatan para rito.

Pangunahing dapat na ituro ng magulang sa kanilang mga anak ang wastong paggamit sa mga material na bagay. Kailangang maturuan ang mga bata na mamuhay nang simple. Sa ganitong pagmumulat, maisasapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya. Maaaring isipin na simpleng turo ito ngunit ito ay magbubunga ng iba pang pagpapahalaga tulad ng:

a. Pagtanggap- dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang tao bilang siya at hindi siya susukatin batay kung ano ang maaari niyang maibigay.

b. Pagmamahal- dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang isang tao na hindi tumitingin sa kanyang kakayahan at katangianay tanda ng malalim na pagmamahal at;

c. Katarungan- dahil nagbubunsod ito upang kilalanin at igalang ang

dignidad ng tao.

Ngunit mahalagang maunawaan na wala pa ring makahihigit sa pagtuturo sa pamamagitan ng pagpapakita ng magandang halimbawa. Ang halimbawa ang pundasyon ng impluwensya. Ang mga bagay na nakikita ng mga bata na ginagawa ng kanilang mga magulang, ang mga salita na kanilang naririnig sa mga ito, at ang paraan ng kanilang pag-iisip ang tunay na makaiimpluwensya sa kanilang mga iisipin, sasabihin, at isasagawa.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.