Unang Larawan (BAHAY KUBO) Parisukat ang hugis ng mga sinaunang bahay kubo. Ang mga ito ay may apat na dingding at may isa o dalawang silid. Ang mga dingding nito ay yari sa kahoy at pawid,o kawayan at pawid. Ang iba naman ay ginagamitan ito ng kogon sa halip na pawid. Ang haligi ay yari sa malalaki at matitigas na kahoy. Ang mga ito ay nakabaon nang may tatlong talampakan ang ilalim sa lupa at nakapatongsa malaking patag na bato. Nilalagyan din ng bato ang paligid ng haligi upang maging matatag ito. Mga maiikling poste na umaabot sa sahig ang inilalagay sa ilalim ng bahay bilang dagdag suporta.
PANGALAWANG LARAWAN(CALAMBA SHRINE) : Ang orihinal na sahig sa loob ng bahay ay natuklasan noong muling itatayo ang bahay at ginamit na rin ng itinayo ang bahay.Ito ay may dumudulas na bintanang gawa sa kapis,ang panlabas na haligi ay pininturahan ng berde (orihinal na puti), at ang bubong ay gawa mula sa pulang karamik na tisa. Noong Hunyo 2009, pinag-utos ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan (ngayo'y Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas) ang pagpapapintura ng dambana upang bigyang-diin ang kahulugan ng apelyidong Rizal.
Answers & Comments