Panuto: Basahin ang bawat aytem at piliin ang angkop na sagot sa mga tanong/pahayag . Isulat
lamang ang titik sa sagutang papel sa napili mong sagot.
____1. Alin sa mga sumusunod na interes napapabilang ang pagiging Economist?
a. Realistic c. Investigative
b. Artistic d. Social
____2. Ang mga sumusunod ay mga hakbang na gawain sa pagpili ng track o kurso, maliban sa isa.
a. Ang magkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay
b. Taglayin ang katangian ng isang produktibong manggagawa
c. Makapagtapos at yumaman sa buhay na di alintana ang iba
d. Masisiguro ang pagiging produktibo sa gawain na makapapaunlad sa bansa
____3. Siya ay maabilidad, may kakayahan at kahusayan sa paggawa kung ang pag- uusapan ay
ang pagluluto ng iba’t ibang kakanin. Sa alin pansariling interes siya napapabilang?
a. mithiin c. kasanayan
b. pagpapahalaga d. hilig
____4. Nakasanayan na ni Athan ang pagsasaayos ng mga gamit sa talyer. Kaya naisip niya na
mag-aaral ng kursong Engineering sa unibersidad ng Dapitan. Anong pansariling salik ang
isinaalang-alang ni Athan sa kaniyang naging desisyon sa kursong kukunin sa kolehiyo?
a. pinansyal c. pagpapahalaga
b. kakayahan d. mithiin
____5. Ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Bilang
nasa Baitang 9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong
ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior
High School?
a. Pahalagahan at paunlarin
b. Pagtuunan ng pansin at palaguin
c. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihanG panlahat
d.Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso


GAWAIN 5
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at sagutan ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang iyong mga naging batayan upang malaman kung anong hakbang ang
dapat gawin upang maisakatuparan o magamit sa kapakipakinabang ang iyong talento,
kakayahan at hilig?
2. Bakit mahalagang magkaroon at masunod ang mga hakbang sa pagsasakatuparan o
paggamit ng pansariling salik sa pagpili ng kurso sa kapakipakinabang?
3. Paano mo mapapanatili ang sarili na sinusunod ang mga hakbang na iyong ibinigay?
4. Alin sa mga salik (Talento, Hilig, Kakayahan, Mithiin, at Pagpapahalaga) ang sa tingin mo
ay makaaapekto sa iyong pagpapasiya sa wastong pagpili ng track o kurso?
5. May pagbabago ba sa iyong pasiya matapos malaman na ang mga pansarili na salik na
nakaaapekto sa iyo? Ipaliwanang.
6. Ano ang bagong nalaman mo sa iyong sarili? Paano ito makakatulong sa iyong
pagpapasiya sa kukuning kurso o track?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.