Questions


December 2021 1 1 Report
Pagyamanin

Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng di-pormal na sanaysay tungkol sa sarili. Pagkatapos ay

gawin ang mga pagsasanay. Gamitin ang pamantayan sa pagsagot.Sino Ako?

Ni: Jim Lyoyd

Katulad ng ibang tao, ako ay may sarili rin pamilya. Ang aking ina,

ama, kapatid, tiyahin, tiyuhin, pinsan, at mga kaibigan. Silang lahat ay

aking nakasama sa loob ng mahabang panahon. Kilala ko ang bawat

miyembro ng aking pamilya. Ganoon din naman ang aking mga

kaibigan. Alam ko ang mga bagay na hilig nilang gawin at mga lugar

na lagi nilang pinupuntahan, pati mga pagkaing madalas nilang kainin.

Ganon ko sila kakilala, ngunit sapat na ba iyon upang malaman ko kung

sino talaga sila? Gaya ng aking

sarili. Lubos ko na bang kilala kung sino talaga ako, bilang ako?

Ako, isang simpleng tao. Minsan nakadarama rin ako ng kalungkutan.

Gaya ng iba, mayroon din akong mga pangarap. Mga

pangarap na walang katapusan.

Maiksi lamang ang buhay at walang sandali ang dapat sayangin. Sa

aking pagkakakilala sa aking sarili, ako ay isang tao na hinding- hindi titigil sa isang bagay na aking

nasimulan. Sa paaralan, tahanan, sa trabaho, o saan mang lugar ako mapunta ay hinding-hindi ako mag-

iiwan ng isang bagay na aking sinimulan na hindi natatapos. Ako’ yong uri ng tao na hindi nauubusan

ng tiwala sa sarili at pag-asa sa buhay. Tinitiyak ko rin na may magandang kalalabasan ang

isang bagay na pinaglalaanan ko nang mahabang oras sa paggawa.

Pagdating naman sa aming tahanan, sa aking pamilya ay tunay kong maipagmamalaki ang tunay na

ako. Maaasahan ako sa mga gawaing bahay na hindi na kinakailangang utusan upang kumilos.

Kumilkilos ako ng mag-isa at natatapos kong lahat ang mga gawain.

Ang laging sumasagi sa isip ko, pagdating sa ibang tao, sino nga ba ako? Ako, bilang isang kaibigan,

sa tingin ko ay sapat na ang tunay na ako, upang matawag na isang mabuting kaibigan. Masaya sa oras

ng tawanan, at malungkot naman sa mga panahong may suliranin ang isa sa aking mga kasama. Kaya

kong baguhin ang ilan sa mga bagay na aking nakaugalian upang magustuhan ng iba. Hindi ko nais na

maraming makikisama sa akin ngunit balatkayo naman ang aking pinapakita. Ang nais ko'y tanggapin

ako sa paraan ng kung sino talaga ako. Hindi na baleng ilan lamang ang aking mga nakakasama,

natitiyak ko naman na tunay ang mga ito. Nariyan din ang aking pamilya na alam kong hinding-hindi

tatalikod sa akin dahil isa sila sa pinagkukunan ko ng lakas ng loob.

Sabi nila walang ibang nakakakilala sa atin nang lubusan kundi ang ating sarili lamang. Ako kilala

ko kung sino si “Ako?" at kung ano ang tunay na"Ako". Ikaw kilala mo ba kung sino si "Ikaw"at kung

ano ang tunay na"Ikaw".


Pamantayan sa pagsulat Puntos Nilalaman 5

Kahusayan sa paglalahad ng ideya 5

Wastong gamit ng bantas 5

Kabuuan 15


Gawain bilang 1: Mula sa binasang akda, anong uri ito ng sanaysay? Ipaliwanag ang iyong

kasagutan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.