Pagyamanin
Gawain 3: Suriin ang Sitwasyon
Panuto:
1. Basahing mabuti ang mga situwasiyon sa ibaba.
2. Suriin kung ang mga tao sa bawat situwasiyon ay nagpapakita ng paggalang
o hindi paggalang sa dignidad ng sarili at kapuwa. (At sagutin ang nasa picture sa itaas).
Situwasyon 1. Nagmula si Julius sa isang mayamang pamilya. Gayunpaman,
inaatasan pa rin siya ng kaniyang magulang na tumulong sa gawaing-bahay
kahit sila ay may mga kasambahay. Sa kaniyang libreng oras, tumutulong siya
sa paglilinis ng kuwarto, pagluluto at pag-aalaga ng kanilang aso. Sa oras ng
pagkain, inaanyayahan niyang sumabay sa kaniya ang mga kasambahay.
Situwasyon 2. Habang namamasyal sa parke si Mark, isang lalaking may
kapansanan ang hindi inaasahang natumba. Nahulog ang kaniyang mga dalang
gamit. Agad na lumapit si Mark upang tulungang makatayo ang lalaki. Pinulot
at nilinis din niya ang mga nalaglag na gamit. Inalalayan niya ito sa
pinakamalapit na upuan at binilihan pa ng maiinom na tubig.
Situwasyon 3. Tunay na nangyari ang sitwasiyong ito sa isang sikat na network
ng telebisyon.: Isang tanyag at iginagalang na field news reporter si Alvin. Sa
isang programang pantelebisyon, naatasan siyang magpanggap bilang pulubi o
taong grasa. Gagawan niya ito ng dokyumentaryo at susubukan ang kakayahan
ng mga tao na tumulong at magmalasakit sa kapuwa. Nang magpalit-anyo si
Alvin, ang mga dating pagbati at papuri sa kaniya bilang kagalang-galang na
news reporter ay napalitan ng pag-iwas at walang galang na pagtaboy.
Situwasyon 4. Isa sa mga pinakasikat na manlalaro ng basketball si Mikey sa
kanilang paaralan. Isang araw habang siya ay naglalakad papunta sa locker sa
kanilang gym, hindi sinasadyang nabangga siya ng isang lalaki. Napagtanto
niya na ito ay isa sa mga manlalaro ng nakalaban nilang koponan ng basketball. Sa kasamaang-palad, natalo sila sa larong iyon. Sa inis niya, sinigawan at
hinamon niya ng suntukan ang lalaki.
Situwasyon 5. Na-promote si Eric bilang department head sa kompanyang
pinagtatrabahuhan niya. Dahil ito sa kaniyang sipag at tiyaga noong
ordinaryong empleyado pa lamang siya. Naalala niya na noong siya’y
nagsisimula pa lamang, madalas siyang mapagsabihan at mapagalitan ng
kaniyang boss. Ito ang ginamit niyang motibasyon upang paunlarin ang sarili
at higit na magsumikap. Tiniis niya ang paghihigpit ng kaniyang boss. Ngayon
ay retired na ito at namumuhay na lamang nang simple. Nabalitaan nito ang
kaniyang promotion at agad na nagpadala ito ng pagbati sa kaniya sa text
message at e-mail. Pinili ni Eric na hindi ito sagutin o magpasalamat man
lamang. Naisip niyang hindi na niya ito kailangan dahil nakuha na niya ang
hinahangad na posisyon.
Situwasyon 6. Sa house blessing ng pamilyang Abuela, dumalo ang isang
kamag-anak na lumaki, nagtagumpay at yumaman sa ibang bansa. Agad
ipinakilala siya ng maybahay ng pamilya sa kaniyang mga kapatid na
nakaaangat na rin sa buhay. Ngunit nang dumating si Enteng, ang kaniyang
kapatid na nanatiling mahirap, binati lamang niya ito ngunit hindi ipinakilala
sa mayamang kamag-anak.
Answers & Comments
Answer:
1.ng sarili:oo
ng kapwa:oo
Explanation: