Akin itong naibigan dahil ang palaabas na ito ay mayroong malalalim na kahulugan kung saan mayroon tayong matututunan. Sa aking opinyon hindi maganda ang mga ipinapakita ng babaeng anak ngunit naiintindihan ko rin siya kung bakit ganon ang nararamdaman niya sa kaniyang ina pero hindi parin ito ang tamang gawain. Kahit iniwan nila tayo kailangan nating mahalin ang ating mga magulang, dahil ginagawa nila ito para sa ating kapakanan. Matutunan nating tanggapin ang nangyari dahil ito rin ay para sa kapanan natin. Nagaabroad ang mga OFW dahil kailangan nilang matustusan ang pangangailangan ng pamilya o mga mahal sa buhay. Kung ginagawa nila ito para sa atin, matuto tayong tumanggap, magpasalamat dahil ito’y kanilang ginagawa para sa ating kinabukasan. Madalas mangyari ang ganitong mga away sa iba at sa ating mga pamilya. Madalas itong nangyayari sa iba’t ibang tao dahil sa hindi pagkakaintindihan. Dahil sa hindi pagkakaintindihan, dito nagsisimula ang pag-aaway sa isa’t isa, pagkakaroon ng kaguluhan, pagmumurahan at hindi pagmamahalan sa isa’t isa. Eto pa ang isang paraan kung bakit hindi sila nagkakaintindihan, hindi sila nagkakaunawan dahil hindi sila pareho ng paniniwala sa isa't-isa. Ang kanilang mga diyalogo ay nakaka hatak ng manonood tulad ko sapagkat ito ay hindi inaasahan at nakakalungkot na medyo masaya. Masasabi ko na marami ang makaka-relate sa pelikulang ito sapagkat marami sa mga Pilipino na kailangang iwan ang kanilang pamilya upang mangibang bansa.
Answers & Comments
Answer:

Explanation: