Pagyamanin

Bigyan mo ng pamagat ang bawat talata na iyong mapakikinggan. Ipabasa
mo sa kasama sa bahay ang mga talata sa ibaba.
1. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti
nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may
inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila'y naglilinis at
nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at
naghahanda ng maraming prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila
kung ano ang maipauuwing pasalubong ng panauhin.Bilang mag-aaral ano
ang iyong masasabi ukol sa kasalukuyang kalagayan o sitwasyon natin sa
gitna ng pandemyang ating kinahaharap?
2. Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng pag-
awit, pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga
produkto
nating gawang kamay na
tulad ng binurdahan at nililok. Tunay na
ang mga Pilipino ay malikhain sa iba't ibang larangan.
3. isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat
lugar
sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang buang pasasalamat sa
kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang
bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa Rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon Lalo na sa mga lalawigan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.