Pagyamanin
A.Magsaliksik tungkol sa sumusunod na mga panrelihiyong pagdiriwang sa Pilipinas.Alamin ang mga ritwal na kaugnay nito at itala sa inyong papel.
1.Pagsamba ng mga iglesia ni cristo
2.Pagsamba ng born again christian
3.Pagdarasal ng budhista
4.Binyag ng katoliko
5.Pagdarasal ng mga muslim
Pa answer po plz need ko na po kasi ng answer ngaun.
Answers & Comments
Pagsamba ng mga iglesia ni cristo
Maraming mga tao ang nacu-curious kung paano nga ba magsagawa ng pagsamba sa Iglesia ni Cristo.
Iba iba kasi ang paraan ng pagsamba sa ibat ibang relihiyon, iba sa Iglesia Katolika, sa El Shaddai, sa born again, sa ADD, sa mga saksi ni Jehova, sa Mormons, at lalo na sa labas ng Kristiyanismo tulad ng Islam at Buddhism.
Karamihan naman eh nahihiyang subukan na pumasok sa loob ng kapilya ng Iglesia ni Cristo kapag naisipan nila na i-try sumamba. Meron din kasi silang mga tsismis na nasasagap halimbawa na lang, bawat isa daw hihingian ng abuloy at marami pang iba. Ito ang nagiging dahilan para hindi nila ituloy ang pagdalo ng pagsamba o paunlakan ang imbitasyon ng kaibigan, kamag anak o kakilala na kaanib sa Iglesia.
Paano isinasagawa ang pagsamba?
Narito po ang pagkakasunud-sunod:
1. Singing of hymns (Mga pag awit)
Ang pag awit ay importante sa mga pagsamba dahil itoy pagpupuri sa Diyos. Meron kaming ginagamit na "Himnario (hymnbook)" kung saan bago magsimula ang bawat pag awit ay makikita sa may koro ang numero ng aawitin at pangungunahan ang pag awit ng mga mang-aawit.
2. Opening prayer (Panalangin)
Bago ang pagtuturo ng ministro ay isasagawa muna ang pananalangin sa Diyos. Ito ay papangunahan ng ministro ding nasa harapan, at sasagot naman ang kapulungan ng OPO at AMEN bilang pagsang ayon sa nananalangin. Kami ay nakatayo ng maayos at nakapikit habang nananalangin, para sa kaayusan at solemnidad ng pakikipag usap sa Diyos.
3. Sermon (Pagtuturo ng ebanghelyo)
Ito ang pinakaimportante, kumbaga, ito ang main part of the worship service. Ang ministro ang nagtuturo, ang mga sumasamba naman ay nakikinig. Pwede namang itake down notes ang mga talata sa bibliya na nababanggit ng ministro saka sa bahay tignan sa sariling bibliya, sa halip na magdala ng bibliya at doon buklat-buklatin. Ang lesson na itinuturo ng mga ministro sa bawat lokal sa buong mundo ay nanggagaling sa Central, kaya kahit saan ka man sa mundo sa pagkakataong yon iisa lang ang matatanggap nyong aral. Merong pinagbabasehan ang ministro sa kaniyang pagtuturo, hindi po ito tulad sa ibang relihiyon na kung ano na lang ang maisip sa pagkakataong yun eh yun na ang kaniyang sasabihin.
4. Prayer (Panalangin)
Sa pagtatapos ng pagtuturo ay muling mananalangin.
5. Collection of voluntary offerings (Paglilikom ng handog)
Ang mga diakono at diakonesa ang pupunta sa lahat ng mananamba upang lumikom ng handog ng nasa kaayusan, kasabay ang pag awit ng mga mang aawit. Kapag nalikom na ang lahat ay ilalagay ito sa kaban na nasa harapan.
6. Prayer (Panalangin)
Pagkatapos malikom ang mga handog ay ipapanalangin ito ng pangulong diakono.
7. Doxology
Aawitin ang doxologia.
8. Benediction (Pagbabasbas)
Basbasbasan ng ministro ang mga sumamba.
9. Reading of circulars/reminders (Pagbabasa ng mga sirkular o mga paalala)
Babasahin ang mga serkular o mga paalala.
10. Recessional hymn (Awit sa paglabas)
Lalabas ang mga sumamba row by row para sa kaayusan kasabay ng pag awit ng mga mang aawit.
Pagsamba ng mga born again Christian
Paano nga ba ang pagsamba ng mga Born Again Christians?
Ang pagsamba ng mga Born Again Christians ay palaging parang may kasiyahan sapagkat naniniwala silang kinakatagpo sila ng Panginoon sa kanyang bahay panambahan. Ang mga paniniwala nila ay nagmumula lamang sa kung anong nakasulat sa Bibliya. Ito lamang at wala ng iba ang kanilang sinusunod. Sapagkat para sa kanila, lahat ng dapat gawin bilang isang tao ay nakasaad na dito at ito ang utos ng Panginoon.