Questions


September 2022 1 2 Report
PAGTATAYA
Panuto: Pillin ang angkop na reaksiyon sa sumusunod na sitwasyon. Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.


1. Nabasag mo ang bintana ng bahay ng inyong bintana,


a. Hindi aaminin ang ginawa
b. Hintayin na madiskubre nila kung sino ang may gawa.
c. Aaminin ang nagawa at sasabihing hindi mo ito sinasadya.
d. Pupunta muna sa bahay ng kaibigan para iwasan ang pagtatanong ng iyong magulang.


2. Nakita mong nandaya sa paligsahan ang coach sa paligsahan ng inyong paaralan.


a. Isusumbong mo siya sa mga hurado.
b. Hindi mo papansinin ang ginawa niya
c. Tatanggapin ang kanyang ginawa dahil sinuman ay maaaring gumawa nito.
d. Hahayaan siyang mandaya para manalo at makilalang mahusay ang iyong paaralan.


3. May proyekto kayong dapat tapusin sa paaralan, ngunit ayaw ng magulang mo na
makitulog ka sa bahay ng iyong kamag-aral.



a. Hindi na lang gagawa ng proyekto kapag hindi ka pinayagan.
b. liyak para payagan ng magulang na makitulog sa bahay ng iyong kamag-aral.
c. Sasabihin mo sa magulang mo na kung pwede ay sa bahay ninyo na lang kayo
gumawa ng iyong proyekto.
d. Ililihim sa magulang ang gagawing pagpunta sa bahay ng kamag-aral at hihingi na lang ng paumanhin pagkatapos.


4. May nakita kang isang di-kilalang tao na kumakausap sa iyong nakababatang kapatid
sa may labas ng gate ng iyong paaralan.


a. Lalapitan ang kapatid at pagalitan siya.
b. Hayaan ang kapatid na magkaroon ng bagong kaibigan.
c. Isumbong ang kapatid sa iyong magulang para mapagalitan siya.
d. Bibigyan ng babala ang kapatid na huwag sumama at umiwas higit lalo kung hindi niya kilala ang kumakausap sa kaniya.



5. Napansin mong napuyat sa panonood ng telebisyon ang inyong kasambahay kaya hindi
ito nakapaghanda ng baon ninyo sa paaralan kinabukasan.


a. Isusumbong sa magulang
para hindi na maulit.
b. Pagbabawalan siya na manood ng telebisyon kahit kalian.
c. Pangangaralan siya pero hindi isusumbong sa inyong magulang.
d. Pagalitan siya dahil wala siyang karapatan na manood ng inyong telebisyon.


6. Isang kamag-anak mo ang nagsabi na may ikinakalat na tsismis tungkol sa iyo ang
iyong matalik na kaibigan. Nagkataong nasalubong mo siya sa mall.


a. Hindi papansinin ang sinabi ng kamag-anak.
b. Magagalit sa matalik na kaibigan at hindi na papansinin kailanman
c. Sasabihin ko sa iba kong kaibigan na huwag makipagkaibigan sa kaniya.
d. limbitahin ang kaibigan sa isang tahimik na lugar at tatanungin nang mahinahon.


7. Hiniram ng kaibigan mo ang aklat sa Matematika. Ipinangako niyang isasauli iyon
pagkaraan ng dalawang oras. Matagal kang naghintay. pero hindi bumalik ang kaibigan
mo.



a. Sasabihin kong hindi na siya makakaulit.
b. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi mo lang siya gagamit.
c. Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang pagpapahiram ng mga
gamit
d. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang oras na
pinag-uusapan.


8. Usapan ninyong magkakaibigan na manood kayo ng cultural show sa plasa. Nakatakda kayong magkita-kita sa hintayan ng sasakyan malapit sa inyong paaralan ng ika-5 ng hapon. Hindi dumating mga kaibigan mo. Nalaman mong nauna na sila sa plasa.


a. liwasan mo sila dahil hindi sila marunong tumupad sa usapan.
b. liyak at hindi makikipag-usap sa kanila sa susunod na makita sila.
c. Kakausapin sila tungkol sa nangyari at sasabihin kung ano ang naramdaman mo
tungkol doon.
d. Magpapasalamat na habang maaga pa ay napatunayan mo na ang kanilang totoong
pagkatao.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.