Questions


September 2022 1 5 Report
Pagtalakay sa Paksa Paalaala: Ang mga teksto ay babasahin ng tagapagdaloy upang mapakinggan ng mag-aaral . Ang tagapagdaloy ay maaaring magulang o sinomang kasama sa bahay. Panuto: Pakinggan ang teksto at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Kaarawan sa Gitna ng Pandemya ni Loreen R. Dalit, Buenavista Elementary School Simula pa lamang ng taong 2020 ay kakaibang saya na ang naramdaman ni Recha Ito kasi ang taon na ipagdiriwang niya ang kaniyang ika-sampung kaarawan at nangako ang kaniyang mga magulang ng isang magarbong pagdiriwang Unang linggo ng Enero ang pagbabalik sa paaralan mula sa bakasyon at napagpasyahan ni Recha na mag-ipon mula sa kaniyang baon. Nais niyang tumulong sa magiging gastusin para sa pagdiriwang ng kaniyang nalalapit na kaarawan sa Abril 28. Araw-araw ay nagtatabi siya ng limang piso mula sa kaniyang baon. Madalas din ay nagbabaon siya ng tinapay upang hindi niya magastos ang kaniyang baong pera. Nang sumapit ang Marso, nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari. Sinuspinde ang O mga klase at nagdeklara ang pamahalaan ng pangkalahatang total lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng Corona Virus sa bansa. Limitado lamang ang paglabas ng mga tao at ipinagbawal ang paglabas ng mga O bata at senior citizen. Ipinagbawal din ang mga pagdiriwang at pagtitipon sa kahit anong okasyon. Ang deklarasyong ito ay paiiralin hanggang sa katapusan ng Marso.




Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.