PAGSASANAY Gawain 1: Panuto: Basahin ang mga tanong. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Sino ang nagbuo ng teoryang Multiple Intelligences na nagsasabing ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan at iba’t iba ang talino o talento?
A. Jurgen Hubermas B. Santo Tomas de Aquino
C. Howard Gardner
D. John Holland

2. Bakit mahalaga ang mga kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob sa pagpili ng track o kurso sa Senior High School?
A. Dahil kailangang mamili ng tamang track o kurso
B. Dahil magagamit ito ng mga mag-aaral sa kanilang pagpapasiya C. Dahil kailangang mag-isip ng track o kurso kapag magpa-enrol sa Senior High School
D. Dahil magagamit ito sa pagpapasiya at malayang pagpili ng kurso nang may pananagutan

3. Natutuhan mo sa EsP ang teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner. Batay rito bilang mag-aaral sa Baitang 9, ano ang dapat mong gawin sa pagpili mo ng kurso sa Senior High School?
A. Pahalagahan at paunlarin ko ang angking likas na kakayahan, talino o talentong ipinagkaloob sa akin. B. Pagtuunan ko ng pansin at palaguin ang angking likas na kakayahan, talino o talentong ipinagkaloob sa akin.
C. Paunlarin ko ang angking likas na kakayahan, talino o talentong ipinagkaloob sa akin para sa sarili at ibahagi ito para sa kabutihang panlahat
D. Tuklasin ko ang angking likas na kakayahan, talino o talentong ipinagkaloob sa akin at gamitin ito sa pagpapaunlad mula sa tinapos na kurso.

4. Bilang mag-aaral sa Baitang 9 na may angking likas na kakayahan, talino at talento, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga rito?
A. Pahalagahan ang angking kakayahan at talento para sa sarili.
B. Palaguin ang angking kakayahan at talino para sa aking ikakabuti.
C. Tuklasin ito ng mas magamit ko para sa mga bagay-bagay na gusto kong gawin.
D. Paunlarin ko ang aking angking kakayahan, talino at talento para sa ikabubuti ng aking sarili at ng maibabahagi ko rin ito sa iba para sa kabutihang panlahat.

5. Alin ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa Senior High School?
A. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
B. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
C. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
D. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyo

6. Si John ay interesado sa kursong TECH-VOC. Ang local na pamahalaan ng Iligan ay naghahanap ng mga potensiyal na mag-aaral para sa kursong ito. Anong pansariling salik ang isaalang-alang ni John sa programang ito ng local na pamahalaan?
A. In-demand na kurso
B. Kursong kagustuhan ng marami
C. Kunin ang kursong gusto ng magulang
D. Mithiin, kasanayan, pagpapahalaga, hilig, talino at talento

7. Isa ka sa mga mag-aaral na nalilito kung anong track o kurso ang kukunin pagtuntong mo ng Senior High School dahil sa hindi pa naging malinaw sa iyo ang sarili mong kakayahan at talento. Batay sa iyong natutuhan sa EsP 9, ano ang gagawin mo?
A. Magkaroon ng kalinawan ng isip at masayang kalooban
B. Magkaroon ng kagalingan sa pangangatwiran at matalas na pag-iisip
C. Magiging mahusay sa pagsusuri at magkaroon ng matinong pag-iisip
D. Sanayin ang sarili sa paggamit ng kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob

8. Si Theo ay may interes sa pagbabasa ng pahayagan, pagsusulat ng sanaysay at sumali sa mga paligsahan ng Press Conference ng paaralan. Aling pansariling salik ang nakatutulong kay Theo?
A. Ang pagtuklas ng kaniyang hilig
B. Pagpapahayag ng mithiin
C. Pagtukoy sa kasanayan
D. Pagpapahalaga ng iba

9. Paano maipakikita na pinapahalagahan ang paglaan ng oras sa pag- iisip bago mamili ng track o kurso?
A. Kunin ang kursong pinili ng magulang
B. Tingnan kung aling kurso ang mas sikat
C. Alamin kung alin sa mga kurso ang maraming nag-enrol
D. Suriin ng mabuti ang kabuuan at ang iba’t ibang anggulo sa pagpili

10. Bakit mahalagang pundasyon o haligi ng pagpili ng track o kurso ang pagpapahalaga?
A. Dahil lahat ng tao ay may pagpapahalaga
B. Kaibig- ibig ang taong may pagpapahalaga
C. Dahil lamang ang taong may
pagpapahalaga
D. Dahil maging gabay ito sa tamang pagpapasiya sa pagpili ng kurso

PASAGOT PO PLEASE:)
Brainliest pag sumagot ng tama
Report kapag non-sense ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.